YUYAN
MATAPOS ang pagdiriwang ko ng kaarawan ay balik na sa normal ang lahat.
Si Toshiro na ang naghatid kay Colton sa paaralan niya dahil tutungo na kami ni Kyle kay Mr. Marasigan.
"Magpupunta ka ba sa reunion?" tanong ni Kyle habang nagmamaneho.
Sandaling nilingon ko siya at muling ibinalik ang tingin sa labas.
"Hindi ko alam." sagot ko.
Naramdaman kong lumingon siya sakin, pero nanatili parin akong nakatingin sa labas.
"Why? You are the one who organize that event, pagkatapos ikaw mismo ang hindi pupunta?" tanong nito.
Tama. Ako ang naorganisa ng reunion party para sa mga estudyante ng Lordsville. At ang Grand Cresent Hotel ay ang hiniling ko kay Lolo ng matapos ko ang misyon. Hiniling ko na patayuan niya ako ng isang property dito sa Pilipinas, which is the GCH.
"I don't know. Bakit ko nga ba naisipan ang bagay na iyon?" tanong ko sa sarili.
Narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Is it because of him?" tanong nito na ikinalingon ko.
Ngisi ang gumuhit sa kanyang labi nang sandaling makita ang reakayon ko.
"Am I right?" nanunuyang tanong niya. "Hindi ko alam na ang isang assassin ay marunong palang magmahal." nakangisi nitong dagdag.
Napaiwas ako ng tingin at napalunok. "H-Hindi ko siya mahal, Kyle. Hindi pa siguro ako handang makita siya." sambit ko.
"Oh.. That's why masquerade party ang tema?" tanong nito. "Hindi mo nga siya mahal, pero may nararamdaman ka." nakangising dagdag nito.
Geez! Dapat pala ay hindi nalang ako nagpatulong sa kanya sa pagorganisa ng reunion namin. Halos manigas na ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinasabi niya.
Agad ko siyang nilingon. Nasa daan ang atensyon niya ngunit alam kong makiinig siya.
"Wala akong nararamdaman, para sa kanya." malumanay kong wika. "At isa pa, hindi naman ako nagpunta dito para sa kanya. I'm here because of our mission, that's it!" dagdag ko.
Muli siyang tumawa at napailing.
"If you say so," aniya at nilingon ako. "Kaya pala natagalan ka noong drag racing, dahil nakita mo siyang may kasamang iba. Does it hurt?" tanong nito na ikinagulat ko.
Ngunit nanatili akong kalmado at hindi ipinapakita ang reaksyon ko.
"Mouth can tell lies but eyes doesn't, Lady Yuyan." wika nito at muling ibinalik ang tingin sa daan.
Hindi ako kumibo at napatungo na lang. Hanggang sa marating namin ang address ng kompanya ni Mr. Marasigan. Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Kyle kanina habang nasa sasakyan. Tsk!
'Mouth can tell lies, but eyes doesn't?' Tsk! That's bullshit!
Bumaba na kami ng sasakyan at naglakad patungo sa pakay namin.
Napatingala ako sa taas ng gusaling nasa harapan ko. Masasabi kong tama nga si Mr. Domingo sa kanyang sinabi. Makikita pa lang sa harap ng gusali kung gaano ito katanyag.
Palihim akong ngumisi at pumasok pumasok na sa malaking gusali.Nakarating kami ni Kyle sa pinakamataas na palapag nito at mabilis na nagtungo kung saan ang kanyang sekretarya.
"Good morning, Ma'am. What can I do for you?" magiliw nitong tanong.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...