Chapter 30: Saved

2K 55 6
                                    

YUYAN

MALALIM na ang gabi nang makarating kami sa mansiyon. Nang makababa ako ng sasakyan ay nagtaka ako kung bakit bukas ang pinto ng bahay. Gabi na at alam kong tulog na si Aeron at Colton ng ganitong oras.

Sino naman ang magbubukas ng pinto, ng ganitong kalalim na gabi?

Biglang sumikdo ang kaba sa aking dibdib at dali-daling tumakbo papasok ng bahay. Napahinto na lang ako nang makita kung gaano kagulo ang mga gamit. Nagkabasag-basag din ang mga pigurin at paintings.

"What the---may dumaan bang bagyo?" gulat na tanong ni Toshiro nang sandaling makapasok din sila.

Hindi na ako nagsayang at pumanhik sa ikalawang palapag. Tinungo ko ang  kuwarto ni Colton, ngunit wala siya. Sumunod naman ay ang kuwarto ni Aeron.

"Darn it!" mura ko nang wala rin akong makita ni anino ni Aeron.

Nagtungo ako sa kuwarto ko upang tignan kung may nawawala. At halos malaglag ang panga ko sa sobrang gulo sa loob. Halatang may hinahanap o kung ano man. Kaagad kong binuksan ang drawer kung saan nakatago ang katana ng aking ina. At hindi nga ako nagkamali. Nawawala nga ito maging ang painting niya.

"Shit! Shit! Shit! Shit!" mura ko at pinagsisipa ang kabinet.

Kung sino man ang may gawa nito, magbabayad siya!

"Yuyan." tawag sa akin ni Toshiro na ngayon ay nasa may pinto na.

Tinignan ko lang naman siya.

"Nakagapos lahat ng mga katulong. Ang sabi nila may mga naka-itim daw na suit  ang pumasok dito. Sinira daw nila lahat ng gamit at itinangay si Aeron at Colton. Hindi daw nila namukhaan dahil nakamaskra ang mga ito." paliwanag niya.

Napakuyom na lang ako ng kamao. Ramdam ko din ang panginginig ko dahil sa galit. Maging ang batang walang kamalay-malay ay nagawa nilang dukutin?

"Kapag may nangyaring masama sa kanila. Magdasal-dasal na sila." madiin kong wika.

Nanginginig man ang kamay ay tinawagan ko si Tres. Siya lang ang nakakaalam na buhay ako. Na target ko ang Dark Society.

Ilang ring pa nang sagutin niya ito.

"Saan mo dinala si Colton at Aeron?" tanong ko.

[What are you talking about?]

"Stop playing innocent, Tres! Alam nating ikaw lang ang nakakaalam na buhay ako at target ko ang DS! At alam kong ikaw lang ang may alam ng bahay ko!" hindi ko na mapigilang magtaas ng boses. Galit ako ngayon. Galit na galit.

[Look! Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi pa ako nagpupunta sa DS. At isa pa, tumutupad ako usapa---]

Hindi ko na siya pinatapos at pinatay na lang ang tawag.

Kung hindi si Tres, sino ang dudukot sa kanila? Napahawak na lang ako sa sintido ko. Fuck this! Ito ba ang dahila  kaya ako nakakaramdam ng kaba kanina pa?

"Yuyan." tawag sa akin ni Toshiro. "Sino daw ang may pakana nito?" tanong niya.

Umiling-iling ako. "Hindi ko alam. Hindi ko alam." sagot ko.

Mabilis kong tinipa ang numero ni Jessie.

"Jessie, can you hack all the CCTV's here in my house?"

[Yes, my dear.]

"And I want it now." utos ko at pinatay na.

Palakad-lakad lang ako habang tinitipa ang numero ni Joseph. Sinagot naman niya ito pero base sa tono ng boses niya ay tulog na siya.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon