Chapter 41: Sumpreme's Anger

1.8K 48 8
                                    

GUNNER

I CAN'T believe, Amber can do this to me. Fuck! Nag-walk out talaga ako? Hindi ba't mas gawain iyon ng mga babae! Damn, Gunner! You are such a gay!

Sa bilis ng paglalakad ko ay hindi ko na namalayan na napalayo na ako sa lugar kung nasaan sila. I don't even know this place. Kaya mabilis kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa, ngunit napamura na lang ako nang wala akong makapa na kahit ako.

I run my finger through my hair in frustration. Naalala kong iniwan ko pala ito sa hotel. Damn it!

Magsisimula na sana akong tahakin ang daan pabalik sa hotel pero may humarang sa harap ko na dalawang lalaki.

"Ikaw ba si Gunner?" tanong nito.

Tumango ako. "Why?"

Inihilig nito ang kaniyang ulo at mabilis na hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Teka! Who are you!" nagtataka kong tanong at sinubukang magpumiglas  pero sinikmuraan ako ng isa sa kanila.

"Sumama ka sa amin, kung ayaw mong masaktan." wika nito at tinutukan ako ng baril.

"Bakit! Sino ba kayo!?" tanong ko at sinubukan ulit na magpumiglas.

Ngunit napainda na lang ako nang muli niya akong sikmuraan. Dahil sa sakit na iniinda ay nagawa nila akong isakay sa itim na van at binusalan ang bibig ko bago pinaharurot ang sasakyan.

Kahit na nanghihina ay nakuha ko paring pagmasdan sila. May kaniya-kaniya silang hawak na baril at mukhang may binabalak pang masama.

Then my instict was correct. When the van has stopped infront of the beach. Bumaba ang tatlo sa kanila at may pinagbabaril.

Napamura ako dahil sa gulat at pinilit na sumilip sa bintana, upang malaman kung sino ang pinaulanan nila ng bala.

My eyes widened when I saw my friends. They all ducked on the sand and screaming. While Amber's keeping on firing back at us. The three mens were done, kaya mabilis na humarurot ang van papalayo. Napalingon ako sa likuran nang makitang hinahabol kami ni Amber habang nagpapaulan ng bala.

Napapikit na lang ako. I wished no one is hurt.

"Matulog ka muna, malayo pa ang biyahe natin." wika ng lalaking katabi ko.

Naramdaman ko na lang ang matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Hanggang sa unti-unting lumalabo ang aking paningin at sa lamunin na ako ng kadiliman.

NAGISING ako nang marinig ang pagsigaw ng lalaki. Pinilit kong bumangon at napahawak na lang sa ulo ko, nang biglang sumikdo ang sakit dito.

Napatingin ako sa matandang nanggagalaiti sa galit.

"MIERDA! Mierda! Ang tatanga niyo! Paano kayo nalusutan ng mga taong iyon! Mga wala kayong silbi! Mga inutil!" sigaw niya sa mga tauhan niya at pinagpapalo ito gamit ang hawak niyang baston.

Nagpalakad-lakad ito sa harapan namin na tila nag-iisip ng bagong plano.

"Ayon sa mga tauhan nating nakakita ay mga sicarius po ang mga lumusob sa pinagtataguan ni Hana, Supremo. Nalusutan nila ang mga magagaling na tauhan natin." paliwanag ng isa sa mga tauhan niya.

Nahinto siya sa paglalakad at tinignan ang taong nagsalita.

"Ano? Sicarius ba kamo? Mga assassin?" tanong niya.

"Opo, Supremo."

Nagtiim ang bagang ko nang mapansing papalapit siya sa akin. At sa hindi inaasahan ay bigla niya akong hinawakan sa pisngi. Sobrang higpit nito at pakiramdam ko ay hihiwalay na ang panga ko sa aking mukha.

"Alam kong kilala mo kung sino ang mga taong 'yon, Arin. If I were you, I'll shoot them in their heads right now! Dahil hindi mo magugustuhan kapag ako mismo ang gumawa ng pabor para sa'yo!" mariing wika nito at padabog akong binitawan.

"Kayo ba ang nag-utos na paulanan sila ng bala?" tanong ko.

Tinignan niya ako. "May sa pusa yata ang lahi ng babaeng iyon at hindi mamatay-matay!" wika nito na ikinataka ko.

Alam na ba niyang si Amber ang may pakana ng lahat ng pagkamatay ng kasapi ng Dark Society? Paano?

"Hayop kayo! Kapag may nasaktan ni isa sa mga kaibigan ko, ako mismo ang papatay sa'yo!" sigaw ko.

Ngunit isang sampal ang inabot ko mula sa kaniya. "Stupido! Sa tingin mo may magagawa ka? Sasaktan at sasaktan ko kung sino man ang humarang sa lahat ng mga plano ko, Arin." mariin nitong wika.

"Sa ngayon ay nasa kaniya si Hana at Martha, pero sisiguraduhin kong mapapasakamay ko ang kapatid at ang nanay mo. Magsasama-sama kayong lahat sa impyerno!" sigaw nito.

The old man was about to leave when Mr. Borris suddenly approached him and there's something he whispered in the old man's ear.

My forehead creased when I saw the old man's face darkened. His jaw clenched and punched one of his dog's face.

"That's bullshit!" sigaw niya. "Paano nangyaring nabawi nila?! Paano? Damn it! Damn it!" nanggagalaiting sigaw niya at pinagsisipa ang mga tauhang nasa harap niya.

"Sunod-sunod na problema ang dumating! Una si Hana ngayon ay ang eskwelahan?" mariing niyang tanong.

Nagbaba na lang ako ng tingin dahil kapag nakita niyang natutuwa ako sa mga nangyayari ay mas mapapahamak ang mga kaibigan ko.

"Sinusubukan talaga ako ng babaeng iyan! Tignan natin kung hanggang saan aabot ang tapang niya." bulong nito pero hindi nakaligtas sa pandinig ko. "Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang binangga niya ako."

"Anong balak niyo?" tanong ni Mr. Borris.

Napaangat ako ng tingin. Saktong sinalubong ni Tanda ang tingin ko. Suot ang nakakatakot niyang ngisi.

"Ang upuan ay hindi makakatayo kapag wala ng paa. Total nagawa naman nating putulan siya ng isang paa. Bakit hindi natin siya putulan ng isa pa?" nakangising wika nito.

Naikuyom ko ang aking kamao, dahil nararamdaman ko na kung ano ang masamang mangyayari.

"Anong binabalak niyo?" kinakabahang tanong ko. "Anong binabalak mong matanda ka!" sigaw ko.

Pero tinalikuran lang niya ako.

"Kapag may nangyari sa kanila! Ako mismo ang papatay sa'yong demonyo ka!" sigaw ko at akmang susugurin siya nang harangan ako ng mga tauhan niya.

"Go, kill me, Arin." natatawang sabi nito. "Kung magagawa mo. Dahil ako, kayang-kaya kitang patayin dahil tapos na ang trabaho mo." aniya at tumawa ng malademonyo.

"Hayop ka! Hayop! Papatayin kitang matanda ka!" sigaw ko.

Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Basta na lang kaming iniwan habang tumatawa.

Napahilamos na lang ako ng mukha at napaupo sa sofa.

"Damn it!" I muttered. I can sense something bad will happen. I need to take my eyes on Amber. Hindi siya puwedeng mapahamak. Pero paano? Kung bantay sarado ako ng mga tauhan niya.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon