Nine years passed..
NAUPO ako sa sementong nagsisilbing harang sa dagat. Inilapag ko ang bulaklak sa tabi ko at nagsindi ng kandila.
"It's been nine years, Toshiro. It's been nine years since the last time I saw you. How are you? Are you doing fine?" tanong ko at tumingin sa malawak na karagatan.
Matapos ang mga nangyari sa pagitan namin ni Mr. DenLuther. Naging maayos na ang lahat. Araw-araw akong pumupunta dito sa piyer upang alayan si Toshiro ng bulaklak at kandila.
"Nasa langit ka ba ngayon o sa impyerno? Kung nasa impyerno ka man, puwede bang ipakamusta mo ako kay satanas? Namimiss ko na siya." biro ko.
Natawa na lang ako sa naisip at napailing na lang.
"Namimiss na kita, Toshiro. Hanggang ngayon ay hindi parin ako tumitigil na umasa.." napahinto ako at huminga ng malalim. "Umaasang babalik ka pa. Umaasang isang araw ay makikita kitang muli. Pero sa tingin ko, sa kabilang buhay na lang iyon mangyayari. Malas ko lang kung sa impyerno ako at sa langit ka." dagdag ko at ngumiti ng mapakla.
Hanggang sa maramdaman ko ang malamig na hanging dumaan sa aking likuran. Napayakap ako sa aking sarili at dinama ang malamig na pakiramdam.
"I miss you too, Toshiro." sambit ko.
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin mula sa likuran. Kung kanina ay malamig ngayon ay mainit na sa pakiramdam.
Napatingala ako at nakita si Gunner. Nakatanaw lang siya sa dagat, habang nakangiti.
"Nagseselos ako, baby." anito.
Napangiwi ako. "Kanino ka magseselos? Sa taong wala na? Baliw ka talaga." bulyaw ko at ibinalik ang tingin sa dagat.
Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo at mas niyakap pa ng mahigpit.
"Ang daming nangyari, no?" tanong niya.
Tumango ako. "Kailan lang no'ng sitahin mo ako sa garden ng school dahil sa curfew. Ngayon nandito ka na sa tabi ko at pinagseselosan si Toshiro." turan ko.
Narinig kong natawa siya. "Yeah. I remember those memories. Kailan lang din noong muntikan ka nang mamatay. At kung paano mo hinarap si Tanda. Sobrang daming nangyari. At nagpapasalamat ako dahil nanatili ka sa tabi ko." anito.
Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. "Thank you din. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako ganito katatag. Hindi ako magiging ganito kasaya." saad ko.
"I'm happy too, baby. And thank you for everything. You're maybe a ruthless, but no words can define your love for us. I am so proud of you. I love you, baby." anito at mas hinigpitan ang yakap sa akin.
"I love you too, baby."
Napatingala ako at akmang hahalikan siya nang may sumigaw.
"Mommy! Daddy!"
Napatingin kaming dalawa sa dalawang batang tumatakbo papunta sa akin. Narinig ko rin ang bulong ni Gunner na bitin.
"Hey! Be careful, mamaya madapa kayo." sambit ko at kumalas sa pagkakayakap ni Gunner.
Lumapit ang isang batang lalaki sa akin at niyakap ako sa binti.
"Si Toshi kasi Mommy, tapon niya milk ko." bulol na wika nito sabay turo sa batang nakayakap sa binti ni Gunner.
Napatingin ako kay Toshi na pilit na ikinukubli ang mukha sa binti ni Gunner. Pagkuwan ay ibinaling ko ang tingin kay Gunner. Nagkibit-balikat lang ito.
"Yuen Toshi Jang Hyun, why did you do that?" kapag buong pangalan na niya ang tinawag ko. They need to explain.
Dahan-dahan niya akong nilingon. "Riyu also did the same, Mom! He deserves it!" angil nito.
Tumingin naman ako sa batang nasa binti ko. "And why did you do that too, Giann Riyu Jang Hyun?"
"Kasi Toshi ayaw ako kalaro." ngumuso ito.
Nataasan ko na lang siya ng kilay.
"Kasalanan niyo palang dalawa. Kaya magbati na kayo, kung ayaw niyong magalit si Mommy." pagbabanta ko.Mabilis silang nagharapan na dalawa at naghawak kamay pa.
"Mom, is scary if she'll get mad." bulong ni Toshi.
"Alam ko, Toshi. Rinig ko Kuya Colton, Mommy palo bata. Masakit daw." bulong naman ni Riyu, pero dinig na dinig ko naman.
"Then we should bati na, para hindi magalit si Mommy." alok ni Toshi.
"Oo, bati na tayo." wika ni Riyu at niyakap ang kapatid.
Toshi did the same too.
Napangiti na lang ako. Hanggang sa maramdaman ko ang braso ni Gunner na pumulupot sa bewang ko.
"May sayad yata sila, katulad ni Toshiro." komento niya.
Natawa na lang ako.
Toshi and Riyu are my twins. At dahil sa gusto kong nasa pamilya parin namin si Toshiro, pinangalan ko ang pangalan niya sa kambal namin ni Gunner. They four years old now. Mababait at may pagkapasaway.
"Alam kong masaya ang pamilya niyo, at nakakainggit. Pero kanina pa kami naghihintay dito, wala ba kayong balak umalis!" bulyaw ni Justine habang nakasandal sa sasakyan.
"Oo nga naman. Ngayon ang opening ng restaurant ni Nixon, Amber. Magwawala 'yon kapag hindi ikaw ang unang makakatikim ng specialty niya." segunda ni Martha.
"Mommy! Tara na po, I want to taste what's our Ninong Nixon's specialty." magkapanabay na wika ng kambal.
"Naku! Mommy will taste it first. Baka ma-food poison pa kayo." biro ko. Ayaw kong mangyari sa kanila ang nangayri noong binigyan ako ni Nixon ng carbonara.
Tumango naman sila. Kaya hinawakan ko na sila sa kamay. Pagkatapos ay sumakay na sa sasakyan.
Sa loob ng siyam na taon, hindi namin nakakaligtaang magsama-sama. Kahit na may kaniya-kaniya na kaming buhay ay nagagawa parin naming magsaya kahit paano.
Si Gunner ay masaya na sa piling ko. Sa piling ng mga anak namin. Isa siyang Engineer ngayon at kahit sa trabaho ay hindi nakakaligtas ang mga babae. Sarap paguumpugin isa-isa kapag nakikita kong nilalandi nila ang ASAWA ko!
Masasabi ko ngang naparaming nangyari. Mga karanasang nagbigay sa akin ng leksyon. Mga karanasang nagpatibay sa akin at nagbigay ng lakas ng loob para lumaban. Mga karanasang bitbit ko hanggang sa huli kong hininga.
'I am Yuyan Harmonica Imperial Cresent Jang-Hyun. I maybe a ruthless than my demons, but I loved more than my angels.'
THE END..
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...