YUYAN
NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang boses ni Colton. Paminsan-minsan ay niyuyugyog niya ako para gisingin.
"Mommy!"
"Mommy!"
"Wake up! Mommy!"
"Arghh.. give me five minutes." inaantok kong wika.
"No! Mommy, wake up! Please!" pamimilit nito at niyugyog ulit ako.
"Aish!" walang ganang angil ko at umupo. Papikit-pikit pa ako habang nanlalabo ang matang tinitignan siya.
"Why?" tanong ko at kinusot ang aking mata. Hanggang sa luminaw na ang paningin ko.
Nakangiti ito ng napakalapad at mukhang bihis na bihis.
"We're going to mall Mommy! We need to buy things for school!" masayang wika nito.
"Huh?" nagtatakang tanong ko at tumingin sa kalendaryong nakasabit sa pader.
"Yes, Mommy. Classes will start on Monday! So we need to buy things for school, right?" tanong nito.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Kahit na hindi pa nagpoproseso sa utak ko ang mga sinasabi niya.
"Okay.. okay.. Just wait me downstairs, Colton. I'll just fix myself." walang ganang tugon ko.
"Okay, Mommy!" masayang wika nito at hinalikan ako sa pisngi. "Good morning!" pahabol nito at lumabas na ng kwarto ko.
"Tss.." tanging lumabas sa bibig ko at hinilot ang aking sintido.
Hindi ko alam kung anong oras na akong natulog kagabi. Matapos ang maghapon kong pag-aaral kay Tres, ay nagtungo ako sa basement upang magsanay. Sinanay ko rin ang ibang armas na gawa ni Aeron.
Binuhat ko na ang aking sarili sa kami at nagtungo sa banyo para maligo. Nang matapos ay nagbihis na at bumaba. Nasa hagdan pa lang ako ay nakasabayan ko na si Toshiro.
"Good morning!" masayang bati ni Toshiro. "Ang aga mo yata?" tanong nito habang pababa kami ng hagdan.
"Yeah. Sasamahan ko daw si Colton na mamili ng gamit niya para sa school." sagot ko at nagtungo sa dining area.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya hanggang sa makaupo ako.
"Kina-career mo talaga ang pagiging nanay mo sa kanya, ano?" tanong nito.
"Tss.." iyon na lang ang lumabas sa bibig ko at sumubo ng tinapay. Ayokong pag-usapan ang tungkol kay Colton. Hindi ko rin alam kung ano ang sumagi sa isip ko at bakit kinupkop ko ang maingay na iyon. "Siya nga pala, kumusta ang misyon mo?" tanong ko.
"Wala paring progress. Hirap kami ni Akiro na mangalap ng impormasyon." sagot nito at umiling-iling.
Napatingin ako sa kanya nang may ilapag siyang itim na sobre sa harap ko.
"Nakita ko lang sa tapat ng pinto kanina. Hindi ko pa binubuksan." wika nito.
Agad ko namang kinuha at binuksan. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang nilalaman ng sobre.
"Toshiro," tawag ko dito. Napansin kong napalingon naman siya, kaya muli akong nagsalita. "Be on your best suit." dagdag ko.
"Suit? What do you mean?" pagtatakang tanong nito.
"We are invited." turan ko habang pinagmamasdan ang dalawang imbitasyon.
"Where? By who? When?" nagtatakang tanong nito.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...