YUYAN
IT'S BEEN two days, simula nang magkaroon ako ng malay. At sa loob ng dalawang araw ay wala akong ginawa kung hindi ang magkulong at linisin ang sugat ko. Tumutulong din ako sa mga gawain dito sa bahay ni Aling Pasing, kabayaran narin sa pagtira ko dito.
Napag-alaman kong tumigil na sa pag-aaral si Ana, dahil sa kakapusan. Wala ring sapat na transportasyon papunta sa paaralan dahil nasa bayan pa ito, ilang kilometro ang layo mula dito.
In almost one week of staying here, I realized how lucky I am to have enough money. Hindi ko alam na sa kabila ng karangyaang mayroon ako, may mga taong kailangang pang magbanat ng buto para makakain kahit isang beses sa isang araw.
"Amber, ito nga pala yung wallet mo." sabay abot sa akin ni Aling Pasing ng pitaka ko. "Huwag kang mag-alala, hindi nabawasan ang laman niyan. Mahirap man kami, pero hindi kami nanamantala ng mga taong nakakaangat sa amin." dagdag niya .
Kinuha ko naman ito at bahagyang ngumiti sa kaniya. "Salamat Aling Pasing." sambit ko.
Tumango naman siya at nagpatuloy sa ginagawa. Kasalukuyan siyang naglalaba habang ako ang nagsasampay ng mga nilabahan niya. Tumanggap siya ng labahan sa araw na ito. Kaya naman ay naisipan kong tulungan na siya.
Never in my life I've been doing this kind of stuff. Nasanay na ako na may katulong sa bahay na siyang gumagawa ng lahat.
Tataasan ko ang mga sahod ng katulong sa mansiyon. I don't have any idea how hard doing household chores, but now I know.
"Siya nga pala, Amber." pagkuha ni Aling Pasing sa aking atensyon. p
Pumihit ako at hinarap siya."Hindi sa nanghihimasok ako, pero---" she paused. Mukhang nag-aalalangan siyang tanungin ako.
"Nagtataka kayo kung bakit may tama ako ng baril?" ako na ang nagsalita para sa kaniya.
Napatango na lang ang matanda. "Pero hindi naman kita pipiliting sagutin ang tanong ko." biglang bawi nito.
Huminga ako ng malalim. "Nagkaroon ng ilegal na transaksiyon ilang kilometro ang layo dito. Isa ako sa naatasang agent na hulihin ang mga taong iyon, pero nagkaputukan. Ang ibang kasama ko ay namatay at ang ilan ay sugatan. Hindi ko alam kung ako na lang ba ang nakaligtas." pagsisinungaling ko.
Mukhang naniwala naman si Aling Pasing. "Naku! Agent ka pala! Kaya pala may nakita akong baril sa bewang mo noon. Natakot ang iba sa'yo dahil baka isa ka daw rebelde." wika nito.
"I'm sorry if I scared all of you. Pero salamat parin at tinulungan niyo ako." sambit ko.
"Hindi naman kami ganun kasama upang hindi ka tulungan. Nasa bingit ka na ng kamatayan, makokonsensiya kami kapag hinayaan ka lang naming bawian ng buhay." wika nito.
Natigilan ako sa sinabi niya. Makokonsensiya sila kapag hinayaan nila akong mamatay? Bigla ay nagbaba ako ng tingin. Makokonsensiya sila, samantalang ako ay hinayaan pa ang mga lalaking iyon na masunog sa mansiyon. Tsk! Am I lucky enough? Did I deserve it?
"Aling Pasing!"
"Aling Pasing!"
Naibalik ako sa huwisyo nang may tumawag sa kasama ko. Napatingin ako sa kaliwa at nakita ang tatlong babaeng papalapit sa kinaroroonan namin na hindi nalalayo sa edad ko.
"Naimbag nga aldaw yo, Aling Pasing." (Magandang araw sainyo, Aling Pasing.) The gals said in choreo.
Tumayo naman si Aling Pasing ag nagpunas ng kamay sa kaniyang palda. Sa ilang araw kong pananatili dito, ay hindi nakatakas sa paningin ko ang habit niyang iyon. Kahit pagkatapos niyang maghugas at magluto ay ginagawa niyang pamunas ang suot niyang palda.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
AksiyonShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...