Chapter 48: Their Victory

2K 51 7
                                    

GUNNER

NAPAANGAT na lang kami ng mukha nang marinig ang pagsabog mula sa hindi kalayuan. Sa loob ng isang buwan namin pagkakakulong sa lugar na ito, ngayon lang kami nakarinig ng pagsabog.

"Saan galing iyon?" tanong ni Mama na pares kong nakagapos sa pader.

"I think nandito na si Amber." wika ni Martha.

Napatingin ako sa kaniya at napangiti na lang ako ng bahagya. Buong akala ko ay hindi na kami maliligtas pa. Halos hindi na namin makilala ang mga sarili namin dahil sa sobrang pagpapahirap ni Tanda.

Pinilit kong alisin ang kadena sa aking kamay ngunit masiyado itong matigas.

Narinig ko na lang ang pagtunog ng rehas kung saan kami nakakulong. Nanlaki ang mata ko nang makita si Zander at Akiro na kinaladkad papasok sa kulungan namin. Wala itong mga malay nang ibinagsak sila sa maduming sahig.

Pagkatapos ay ikinandadong muli ng mga tauhan ni Tanda ang kulungan at tumakbong umalis sa kinaroroonan namin. May mga tauhan din na nagtatakbuhan. Mukhang pupuntahan nila kung nasaan man si Amber.

Sinubukan kong tawagin si Zander ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Dahil malapit lang si Akiro sa kinatatayuan ko, ay simnubukan ko itong yugyugin gamit ang paa ko para magising. Hindi naman ako nabigo, dahil unti-unti siyang dumilat at napahawak sa kaniyang ulo.

"Where am I?" tanong nito.

Napailing na lang ako at pinagmasdan siyang bumangon. Hanggang sa matapon ang tingin niya kay Zander na nakahilata sa tabi niya.

"Master Kyle! Master Kyle!" tawag nito at niyugyog si Zander para magising. Ilang beses niya pa itong niyugyog bago tuluyang magkaroon ng malay.

"Shit! Nasaan tayo?" tanong nito na parang hindi pa kami napapansin.

"Ikinulong nila tayo, Master Kyle." turan ni Akiro.

Nailibot lang nito ang paningin hanggang sa madako ang tingin niya sa aming tatlo. Lalong-lalo na sa akin.

"You're fucking ugly, dude." puna nito.

Nag-iwas lang ako ng tingin. Dahil kahit ako, hindi ko na alam kung ano ang itsura ko.

"Kasama mo ba si Amber na nagpunta dito, Zander? Nasaan siya?" atat na atat na tanong ni Martha.

Biglang naihilig ni Zander ang kaniyang ulo at hinilot ang sintido. Ilang segundo lang ay biglang nagbago ang ekspresiyon ng kaniyang mukha na animo'y naduduwal na hindi ko maintindihan.

"Ano? Nasaan siya?! May nangyari bang masama?" hindi mapakaling tanong ni Martha.

"Lady Yuyan is fine, I think so?" si Akiro ang sumagot sa tanong.

"What do you mean?" ako naman ang nagtanong sa kaniya.

Sandaling kumunot ang noo nito na tila inaalala ang mga nangyari. "She's fighting with a huge scary man. Then.. Then..." anito at inaalala pa ang mga sumunod na nangyari.

"Then?" tanong ni Martha.

"Then pinainom kami ng isang gamot at nawalan na kami ng malay." pagpapatuloy nito.

Nagtiim ang bagang ko sa sinabi niya. "So, hindi niyo na alam kung ano ang nangyari?" tanong ko.

Tumango ito.

"Damn!" asik ko at sinubukang kumawala sa kadena.

"Kailangan na nating makaalis dito. Baka kung napaanon na si Amber." nag-aalalang wika ni Mama.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon