Chapter 10 : Pandak

2.4K 60 2
                                    

SHEENAH

KASALUKUYAN kaming narito sa Sunshine Cafe upang mag-usap tungkol kay Amber.

"Whaaatt!!? Totoo ba iyang sinasabi mo? Baka namamalikmata ka lang!?"

Hindi napigilang sigaw ni Justine at halos mapatayo sa kinauupuan niya.

"Oo nga," sagot ko. "Siya nga ang tumulong kay Kuya na mabawi itong cafe. Maging yung bahay at kompanya namin, naibalik din." dagdag ko.

"Grabe, hindi talaga ako makapaniwala." napapailing nitong wika. "Akalain mong sa isang iglap lang, nabawi niya ang pag-aari niyo?" namamangha nitong dagdag.

Tumango naman ako bilang sagot.

"So, anong balak mo? Hahanapin mo ba siya?" tanong nito sabay inom ng cappuccino.

Umiling ako. "Ang sabi ni Mommy, huwag daw namin siyang hanapin dahil siya mismo ang magpapakita sa atin." sagot ko.

Aaminin ko, gustong-gusto ko na siyang makita. Gusto ko rin siyang pormal na pasalamatan dahil sa ginawa niya sa pamilya namin.

"Grabe talaga si Amber, ano? Laging pa-suspense ang drama." wika nito.

Ngumiti na lang ako at tumingin sa labas.

"Teka, alam na ba ito ng kuya mo?" tanong nito.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at tinapunan ng tingin ang binatang abala sa pag-aasikaso ng mga costumer.

"Wala siyang alam." sagot ko habang tinitignan si Kuya. "Kapag nalaman niyang si Amber ang tumulong sa kanya, ay baka sabihin niya ito kay Gunner." dagdag ko at ibinalik ang tingin kay Justine.

"Ano naman kung sasabihin ni Lord kay Gun?" tanong nito.

"Ang sabi ni Mommy ay may kailangan pa daw asikasuhin si Amber. At isa iyong misyon na hindi tayo dapat madawit pa. Alam mo naman ang nangyari two years ago?" tanong ko.

Tumango naman siya.

"Dahil daw sa pagkakadamay natin sa misyon niya na ikinapahamak natin, pinagbawalan siya sa pakikipag-komunikasyon dito sa Pilipinas. Kaya dalawang taon tayong walang balita sa kanya. Yun ang sinabi ni Daddy." paliwanag ko.

Napailing siya. "Naaalala ko tuloy ang nangyari. Yung halos ikamatay na niya pero inaalala parin niya tayo. Lalo na ako, kahit sa kabila ng nagawa kong kasalanan." wika nito at napayuko na lang.

Marahil hanggang ngayon iniisip parin niya ang pakikipagsabwatan niya kay Greg Queva.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Ano ka ba! Matagal na iyon! Tsaka, napatawad ka na niya, hindi ba?" pampalubag loob kong wika. "Masama lang magalit si Amber, pero hindi 'yon nagtatanim ng galit."dagdag ko.

Mahina itong tumawa. "Magpasalamat ka, wala siya dito. Kapag narinig niya iyang sinabi mo, sasamaan tayo ng tingin nun." natatawa nitong wika.

Ngumiti naman ako. "Well, thank God dahil wala siya rito." sarkastikong wika ko.

Hindi lang naman iyong ang rason kung bakit ayaw kong ipaalam kay kuya amg tungkol kay Amber. Dahil kapag nalaman niya at sabihin kay Gunner ay wala rin mangyayari.

"Sissy!"

Sandali kaming natahimik ng biglang sumigaw at lumapit si Kuya Lord sa kinaroroonan namin. Tinignan lang nin siya upang hintayin ang kanyang sasabihin.

"Nabalitaan niyo na ba?" tanong nito.

Nagkatinginan kami ni Justine, ngunit hindi nagsasalita. Dahil mukhang alam na namin ang sasabihin ni Lord kaya.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon