Crystal's POV
"Hi!"
"What the?!" Nagulat naman ako sa kamay na kumaway sa harapan ko at sa taong nagsalita. Nandito kasi ako sa isang bench sa malapit sa cafeteria. Tapos bigla bigla na lang syang sumulpot sa harap ko.
Tiningnan ko naman ang lalaking tumatawa na ngayon. "Pffft. Did I scared you?" tanong nya.
I rolled my eyes. "Am I going to shout kung hindi?" at saka ko isinalpak ulit ang earphones ko.
"Ang taray naman." natatawa nyang sabi at umupo sa tabi ko.
I just ignored him and listen to the music. Pero nagulat ako ng may kumuha sa isang earplug ko. "Hey! Ano bang problema mo?" I asked.
"What's the title of this song?" he asked at hindi pinansin ang tanong ko.
"Hmmmp. Undecided by Chris Brown." bored kong sagot.
He nodded and snap his fingers to the beat. "Ang ganda ah. Chill lang yung flow ng music." he commented.
Nagreklamo naman sya ng bigla kong kuhanin ang earphones ko sa tenga nya. "Tsss. Go get your own earphones."
He pouted his lips. Awwww. He's so cute when he's doing that. "Ang damot mo naman." sabi nya. Isa yan sa mga minahal ko sa kanya e. Dati lang ha!
I stuck my tongue out. "Eh bakit ka ba kasi nandito Chance?" pag-iiba ko ng usapan. Bigla bigla na lang kasi sya sumusulpot e.
"Wala lang. Is it bad to be with you? Porquet may boyfriend ka na?" sabi nya na nagpapaawa.
Pinaningkitan ko sya ng mata. "At kailan ka pa dumaldal Chance?"
He chuckled. "Since the day na nakasama ko ang H4. Ingay nila e." sagot nya.
Sasagot sana ako ng makita ko ang babaeng hindi ko inaasahang pagseselosan ko. Naglalakad sya ngayon papunta sa cafeteria ng mag-isa. Hindi naman nya ako nakita dahil nandito ako sa part na natatakpan ng puno at iba pang halaman. Wala masyadong taong pume-pwesto dito dahil nga medyo tago. Kaya gusto ko dito kasi walang nakakaistorbo sakin. Kaya nga nagulat ako sa pagsulpot ni Chance eh.
So back to Courtney tayo. Naaawa ako sa kanya. She's alone and it's gloomy. I wanted to get along with her. But I can't for now. Hindi ko pa sya nakakausap pagkatapos ko silang makita ni Kean sa Mall. And I'm not ready to talk to her. Everytime I see her, feeling ko mawawala sakin si Kean. Na para bang maaagaw nya sakin si Kean kapag hindi ako nag-ingat. But I know it's not going to happen. Kean is only mine.
"Is there a problem between you and Courtney?" he asked all of a sudden.
Hindi agad ako nakasagot. Should I tell him? Ayaw ko na kasing madaming makaalam. But I need to tell him right? He's one of my closest friend and he need to know somehow.
I nodded. "Yeah. Hindi ko naman dapat pinoproblema yun e. But I can't help it." I gave him a fake laugh.
He looked at me seriously. "Care to share it with me? Kung okay lang naman."
I nodded at ikinuwento ko sa kanya lahat. Simula noong makita namin si Kean sa mall hanggang sa nangyari kahapon. I need to tell him everything baka kasi mamis-understand nya.
Kumuyom ang mga palad nya. "Are you feeling fine now?" nag-aalala nyang tanong.
I smiled. "Oo naman. Kean explained everything already so malinaw na sakin lahat. Wag mo nang isipin yon okay?" sabi ko.
He closed his eyes for a second. "He shouldn't have done that. Alam naman nyang may girlfriend sya tapos nagawa pa nyang--"
"Sshh. It's not his intention to hurt me. And he just did it as a friend. Walang malisya yung ginawa nila. Ako lang talaga yung nagselos." sagot ko.
YOU ARE READING
Make You Fall
Teen Fiction[COMPLETED] Crystal Alexandria Madrigal Ramirez transferred to Hoshi High Academy to follow the love of her life. Sa pagpasok nya sa school na yon her peaceful life became a disaster. Dahil sa pagpasok nya marami syang nakilala. At isa na don si Kea...