Chapter 97

41 6 0
                                    

Crystal's POV



Idinilat kong muli ang mga mata ko at tumitig sa kisame. Matulog ka na Crisan. Bumuga ako ng hangin at saka sinubukan muling pumikit upang matulog.

"I still love you, baby. Hindi nagbago yun."

"Mahal pa rin kita hanggang ngayon!"

"Totoong minahal kita at hanggang ngayon patuloy kitang minamahal!"

Muli kong iminulat ang mata ko at naiinis na tinakpan ng unan ang mukha ko. Argh! Patulugin mo naman ako Kean!  Sa tuwing sinusubukan kong matulog ay paulit ulit ko lang na naririnig ang sinabi ni Kean. What the heck is wrong with me?!

Bumangon kaagad ako at tumingin kay Kaye at Gab na mahimbing na natutulog. Tumingin ako sa orasan at nakitang 11:52pm na. Dahan dahan akong bumaba sa kama ko at nagsuot ng jacket, napagdesisyunan kong lumabas muna para magpahangin.

Maingat, tahimik at dahan dahan akong naglakad papunta ng pinto. Malapit na ako sa pintuan ng hindi ko mapansin ang lata ng softdrinks kaya nadali ko ito at natumba.

Napapikit na lang ako ng nakagawa ito ng ingay. Napatingin ako ng umungol si Gab. Nahigit ko ang hininga ko at pinagmasdan sya. Wag kang magigising please. Nagkamot sya sa ulo at natulog muli. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon, alam ko kasing hindi nila ako. Papayagang lumabas ng ganitong oras. Pesteng lata yan! Pakalat kalat. Napakaburara talaga ni Kaye, di marunong magtapon.

Maingat kong isinara ang pintuan at bumaba para lumabas ng resort. Sinigurado kong walang makakarinig sa mga foot steps ko maging ang H4. Katapat lang kasi namin ang mga kwarto nila. Oo kasi tigi-tigisa sila ng kwarto. Arte eh.

Pagkalabas ko ng resort ay yumakap kaagad sa katawan ko ang masarap at malamig na simoy ng hangin. I started walking while sight seeing at this beautiful paradise. I didn't stop walking until I noticed the surrounding. I remembered this place, ito yung lugar kung saan ako dinala ng paa ko noong tumakbo ako palayo kay Kean, at dito din ako natapilok. Napatawa na lang ako ng maisip ko yun, dito na naman ako dinala ng paa ko.

Nakikita ko ang bilog na buwan na nagre-reflect sa dagat, and I find it wonderful. Sa parteng ito ng Coron ay kitang kita ang kabuuan ng buwan at mas malamig ang hangin. I sat on the white sand and stare at the beautiful view.

Habang nakaupo at nakatitig sa magandang view ng dagat ay hindi ko naiwasan ang pag-iisip sa mga pinagsasabi ni Kean. He said that he still love me. He really love me. He didn't stop loving me. And he woudn't not stop loving me. Should I believe him?

Hindi naman sa ayaw kong maniwala, pero natatakot akong biro lang pala lahat. Na lokohin na naman nya ako, na kasama pa din ito sa mga plano nya. Pero kasi, kabaliktaran ng naiisip ko ang ginagawa nya.

Bakit nga ba ako naging ganito sa kanya? Mahal ko sya pero iniiwasan ko sya, ayaw ko syang makausap at higit sa lahat hindi ko sya magawang mapagkatiwalaan. When you love someone you will give all of yours. I can do it really, I did it before to him. Binigay ko lahat ng kaya ko para sa relasyon namin. Kaunting misunderstanding lang nagkakabati din. Pero bakit hindi ko magawa ngayon? Mahal ko pa din naman sya diba? Pero bakit hindi ko sya mapatawad kaagad? Bakit pinapahirapan ko sya?

I promised to him that I'll do everything to understand him. That I'll be strong for us, that I'm going to trust him and we will fight no matter what. At higit sa lahat magmamahalan kami hanggang dulo. Eh ano na ngayon? Anong nangyayari?

Napabuntong hininga ako at napatingin sa langit na kulay black at puno ng mga stars. Mahal ko pa nga ba sya?

Napailing ako at isinubsob ang mukha sa tuhod ko. Hindi ko alam. Hindi ko na alam sa totoo lang. Ano na Kean? Bakit umabot sa ganito? Bakit Kean?

Make You FallWhere stories live. Discover now