Crystal's POV
"Uy, okay ka lang ba?"
Nagising ang diwa ko sa ginawang pagsiko sa akin ni Gab. Pilit akong ngumiti. "Aaaaayoooos lang akhoooooo." sagot ko habang humihikab.
Kinusot ko ang mata ko at tumitig sa labas. "Kanina ka pa hikab ng hikab. Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi? Diba nauna ka pang bumalik samin?" nagtatakang tanong ni Gab.
Umiling ako. "W-wala. Binangungot kasi ako kagabi e." I lied.
They didn't know anything happened last night. Nakabalik ako ng tahimik sa kwarto namin pero hindi na ako nakatulog at umiyak ng tahimik.
She just nodded. "Ganoon ba? You should've wake me up para natabihan kita." nakangiting suggestion nya.
"N-no, it's okay. I didn't want to disturb you from sleeping that time." nakangiting tugon ko.
Tumango na lang sya at ngumiti ulit. Btw, nandito kami ngayon sa baba at nakaupo sa stool sa counter table at nakatingin sa bukas na glass door at tanaw ang dagat.
Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko. "Here. Pampagising." inilapag ni Kaye ang platito na may toasted bread at isang tasa ng kape sa harapan ko.
Nagpasalamat ako at tumitig muna sa glass door bago ininom ang kape. "Waaaaa! Eng enet nemen, bet de me senebe?" tanong ko habang nakalabas ang dila. Napaso kasi ako ng kape e.
Sandali nya akong tinawanan. "Bangag ka ba? Nakita mo ng umuusok e. Syempre mainit yan." she said while pointing the cup coffee.
Ngumuso na lang ako at kukuhanin na sana ang tinapay para kainin ng wala akong makapa sa platito.
"Ay shorry...Twinanong kita khanina e....shabi mo shakin na lang." nilunok nya yung nginunguya nyang tinapay. "Kaya kinain ko."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya? "Did I really said yes?" tanong ko.
Sasagot na sana si Gab ng umiksena si Kaye. "Obviously, yes. Pagkalapag ko ng tinapay tinanong ka nya agad at pumayag ka habang nakatitig sa labas." naningkit na naman ang mata nya. "Kanina ka pa wala sa sarili mo. Teka may nangyari ba?" she query.
Nag-iwas ako ng tingin at sumimsim sa kape ko. "W-wala ah.
"Weh? Eh kagabi? Meron ba?" tanong nyang muli.
"W-wala nga. Inaantok lang talaga ako." sagot ko.
Inilapit nya ang mukha nya sakin. "Really huh? Eh bakit maga yang mata mo?" curious nyang tanong.
Kinusot ko lang ang mata ko at tinakpan ang mukha ko. "Oo nga. I've noticed it too. Pero nahiya lang akong magtanong kanina. Umiyak ka ba?" tanong ni Gab.
Sasabihin ko ba sa kanila yung nangyari kagabi? Pero kasi, ayoko ng pag-usapan pa yun. I really need to forget that. Kamusta na kaya si Kent? Si Kean? Hindi pa kasi bumababa ang boys e.
"Good morning."
Nabaling ang atensyon namin kay Kent na pababa ng hagdan at nakangiti pa.
"Oh? Anyare sa mukha mo? Bakit puro pasa?" pag-uusisa ni Kaye habang titig na titig sa mukha nya.
Nilapitan naman sya ni Gab at in-examine ang mukha nya. "Nakipag-away ka no? Kanino naman?" tanong nito.
Bahagyang bumuntong hininga si Kent. "You can say that. Pero hindi ganon." sagot nito at umupo sa sofa.
Medyo maayos ayos na ang mukha nya ngayon. Hindi na sya maga katulad kahapon. Ginamot ko kasi muna ang sugat nya bago ako dumiretso sa kwarto namin. At saka nag-sorry na din ako sa kanya.
YOU ARE READING
Make You Fall
Teen Fiction[COMPLETED] Crystal Alexandria Madrigal Ramirez transferred to Hoshi High Academy to follow the love of her life. Sa pagpasok nya sa school na yon her peaceful life became a disaster. Dahil sa pagpasok nya marami syang nakilala. At isa na don si Kea...