Christian's POV
Kanina pa ako nakatitig sa kakambal ko na parang wala sa sarili. Kanina pa nya tinititigan ang pagkain nya. Hindi pa sya nakakabawas sa agahan nya at nakahawak lang sa kutsara.
"Ano bang problema?" pambabasag ko sa katahimikan dahilan para mapatingin samin lahat ng tao sa lamesa.
I'm not the only one that is confused on my Twin's actions. Maging sila Mommy, Daddy at Kuya Drex, but they don't have any guts to ask her. Pinagmamasdan lang nila ang kilos nito at naga-alalang nakatingin.
Tiningnan lang ako saglit ni Crisan ng blangko at saka ulit tumingin sa plato nya. Magsasalita pa sana ako ng bigla kong marinig ang malakas nyang buntong hininga at tumayo. "Busog na po ako." at saka sya naglakad palayo.
"Pero hindi ka pa kumakain atsaka may pasok......kayo." pabitin na sabi ni Mommy dahil agad na umakyat ng hagdan si Crisan at hindi na tumingin pa sa amin.
When she vanished on our sight, bigla naman silang tumingin lahat sa akin. "Anong nangyari dun?" Dad asked.
I shrugged and then sighed. "I don't know either. She's ignoring me since last night." ininom ko ang tubig na natira sa baso ko.
That's true, kagabi pa nya ako hindi pinapansin. Pagka-uwi nya ay nakita kong maga ang mata nya at galing sa iyak. Kahit na naguguluhan ay tatawagin ko sana sya para batiin ulit pero hindi nya ako pinansin.
"Did something bad happened yesterday?" nagtatakang tanong ni Mommy.
Dumighay si Kuya Drex at sumagot. "Obviously, meron talaga. And it's not a simple scene for her to act that way." he said.
Kakaiba kasi ang mga kilos nya ngayon. Lagi syang lutang at malalim ang iniisip. Kagabi nga sa sobrang lutang nya maling kwarto ang napasok nya at pumasok sya sa kwarto ko.
"Talk to your Twin. Baka kailangan nya ng makakausap." Dad stated and sipped his coffee.
I nodded and quickly stood up para puntahan sya sa kwarto nya. Habang naglalakad ay madaming tanong ang nabuo sa isip ko like, "What really happened?" , "Why is she ignoring me?" , "Why is she acting that way?" , "Bakit maga ang mga mata nya?". And all of those questions will be answered kapag tinanong ko na sya. Pero mamaya na lang dahil kailangan pa naming pumasok.
Ilang beses na akong kumakatok ako sa pinto ng kwarto nya pero walang sumasagot. I'm losing my patience now. Malakas kong kinalabog ang pinto nya at sumigaw. "Wala ka ba talagang balak pumasok?!"
Pero wala pa ring sumasagot. I really don't want gate crashing, but I don't have any choice. Bumaba muna ako para kuhanin ang susi ng kwarto nya sa key section ng bahay. May lock naman yon at finger prints lang naming pamilya ang makakabukas, so it's really safe there.
Pagkakuha ko ng susi ay agad kong binuksan ang pinto ng kwarto nya at nakita syang nakabalot ng kumot. Nilapitan ko sya at niyugyog. "May pasok pa tayo." sabi ko.
"Ayaw kong pumasok!" sigaw nya at nagtalukbong ulit ng kumot.
"Anong ayaw mo? We need to attend school!" sigaw ko din pabalik. Ang kulit kasi nya.
"Bakit ba ang kulit mo?! Ayaw ko nga kasi!" at saka nya ibinato ang unan papunta sa pwesto ko pero nailagan ko ito.
I sighed. "Tapos sinisigawan mo........" napatigil ako sa pagsasalita ng makarinig ng mga hikbi.
Agad na nanlambot ang puso ko ng marinig ang mumunting hikbi nya. "Wait--umiiyak ka ba?" obvious ba Chris?
"B-bakit naman bawal kitang sigawan?" bumangon na sya at puro luha ang mukha nya. "T-tell me? Dahil ba sa p-pangako natin sa i-isa't-isa nung mga b-bata pa tayo?" tanong nya.
YOU ARE READING
Make You Fall
Novela Juvenil[COMPLETED] Crystal Alexandria Madrigal Ramirez transferred to Hoshi High Academy to follow the love of her life. Sa pagpasok nya sa school na yon her peaceful life became a disaster. Dahil sa pagpasok nya marami syang nakilala. At isa na don si Kea...