Chapter 99

24 5 0
                                    

Crystal's POV



Mabilis na dumating ang umaga at Tuesday na kaagad. Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kaya medyo bangag ako ngayon.

Sumandal muna ako sa backrest ng passenger's seat at pumikit habang hinihintay ko si Chris. Wala naman akong choice dahil wala pa rin si Kuya Driver. Hindi naman pwede kay Kuya Drex, kung hindi sya maaga papasok minsan sa tanghali pa.

"Crisan?" napamulat naman ako ng mata sa pagtawag sakin ng kakambal ko na ngayon ay nakaupo na sa driver's seat at nakatitig sakin.

Habang inii-start ang kotse nya ay pasulyap sulyap sya sa akin at naiilang ako doon. "Inaantok ka ba? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" kunot noong tiningnan ako.

"Obviously." cold na sagot ko at tumingin sa bintana at humikab.

Alam kong gusto nyang magtanong kung bakit pero alam nya din siguro na hindi ko sasagutin ang tanong nya sa sitwasyon na meron kami ngayon.

"You can sleep for a while. Gigisingin na lang kita kapag nasa sc---"

Umiling ako. "No need." sagot kong muli sa malamig na tono.

"Are you su--"

Bumuntong hininga ako. "I'm fine." pagpigil ko sa sasabihin nya.

Narinig ko din ang pagbuntong hininga nya at itinuloy na lang nya ang pagmamaneho. And silence covered the whole car again like yesterday. Para hindi ako makatulog ay inabala ko ang sarili ko sa pagc-cellphone at pagb-browse sa fb ko.

"Crisan, I have to tell you something." pagbubukas nya ng topic.

Nanatili lang akong tahimik at nagkakalikot lang sa phone ko. "Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo, pero kasi kam--"

Kinabit ko ang earphones at sinalpak ko sa tenga ko para hindi sya marinig. Ewan ko ba basta ayaw ko pa sya kausapin ngayon e.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napailing na lang sya hindi na itinuloy ang sasabihin nya. Good. Kasi kapag patuloy syang nagsalita baka hindi ko mapigilan ang sarili ko makinig na ako. Curious din kasi ako.

Pagkarating namin sa school ay naglakad na ako kaagad papunta ng classroom. Bubuksan ko na sana ang pinto ng room namin ng may bumukas nito mula sa loob.

Bumungad sa akin ang blangkong mukha ni Kean. Bakit pa sya lalabas? Saan kaya sya pupunta? Eh pakealam ko naman diba?

Dadaan na sana ako sa gilid nya para pumasok ng doon din nya balak na dumaan. Ano to patintero? Kailangan ko na agad pumasok, aish!

I've decided last night that I'm going to ignore him starting today like what I'm doing before noong naghahabol pa sya, at huwag na lang pagtuunan ng pansin ang ginagawa nyang pagtrato sa amin. Pero paano ko gagawin yun kung pilit kaming pinagtatagpo ng landas?

Nabalik ako sa reyalidad ng bigla na lang syang lumabas at binangga na naman ang balikat ko sa pangalawang pagkakataon na para bang wala syang pakealam kung masaktan ako o hindi. Napanganga akong nilingon siya at nakitang patuloy lang sya sa paglalakad paalis. Seriously? Kailangan babanggain nya ako palagi?

Naiinis na pumasok na lang ako sa loob at dire-diretsong naglakad papunta sa upuan ko. Chill Crisan, hayaan mo na sya. Wag mo na lang pansinin.

Napatigil ako sa paglalakad ng harangan ako ni Kaye at hawakan sa magkabilang balikat. "I saw it Bessy. Are you okay?" nag-aalalang tanong nya.

Pilit akong tumawa. "Of course, hindi naman masakit e." sagot ko.

Make You FallWhere stories live. Discover now