Crystal's POV
"Hey, ngiti ka naman dyan Twin." he said while stretching my cheeks. "Don't worry Crisan, magiging okay ka din, just wait for your wound to heal." nakangiting sabi ni Chris bago naglakad papunta sa classroom nya.
Ngumuso lang ako at humarap sa pinto ng classroom. Magiging okay pa nga ba ako? Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob ng classroom.
Habang naglalakad papunta sa upuan ay naga-alalang tiningnan ako ni Kaye. Tinanguhan ko lang sya at dumiretso ng lakad.
Kahit anong iwas ng tingin ko sa pwesto nya ay nagpupumilit talaga ang mata ko. Nakatutok lang sa cellphone si Kean na parang may ka-text. Maybe she's texting Nicole.
Malungkot akong ngumiti at saka umupo sa upuan ko. Naalala ko na naman ang ginawa kong confession kahapon sa harap nya at kung paanong hindi nagbago ang expression ng mukha nya.
I already told him what I feel. Nag-apologize na ako, sinabi ko ng gusto ko syang bumalik sa akin, na mahal na mahal ko sya. But he just stared at me coldly and asked na parang walang kwenta ang sinabi ko. Ganon na ba talaga sya walang pakealam sa nararamdaman ko? Sa akin?
"Kamusta na yung sugat mo?" pinunasan ko agad ang luha ko. "Teka? Umiiyak ka na naman ba?" malungkot na tanong nya.
Umiling ako at ngumiti. "H-hindi ah.....H-hindi ko mapigilang hindi umiyak." sabi ko at tumulo na naman ang luha ko.
Niyakap naman ako ni Kaye. "Ssshhhh. Stop crying na bessy. Bahala ka malulungkot na din ako." malungkot na sabi niya.
"I'm sorry...I-I just can't hold back my tears." sagot ko sa kanya.
Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin patayo. "A-anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Let's go." sabi nya at hinigit ako.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
She smiled. "Sa labas magpapahangin." sabi nya at inilapit ang bibig sa tenga ko. "Gusto mo bang makita ka ni Kean na umiiyak?" bulong nya at tumingin sa likod ko.
Umiling ako at nagpatangay na sa kanya. "Saan ba tayo pupun--"
"We're here." huminto na sya sa paglalakad, ganon din ako. Inilibot ko ang mata sa paligid.
Nandito kami sa secret tambayan sa likod ng HHA. "A-ano namang gagawin ko dito?" tanong ko. "Tara na, b-bumalik na lang tayo." maglalakad na sana ako paalis ng pigilan nya ako.
"I know there are lots of memories that you'll remember here between you and Kean. But this is the best place para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman mo." paliwanag nya at ngumiti. "Sumigaw ka all you want. Isigaw mo lahat ng gusto mong sabihin sa kanya." dagdag nya.
Dahil nga nasa pinaka likod kami ng HHA pumwesto, walang makakarinig sa amin kundi kami lang at wala namang nakakaalam ng lugar na ito kundi kami kami lang.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo. "Aaaaaaaaaah! Nakakainis ka Keaaaaan!" sigaw ko.
Tumingin ako kay Kaye at tinanguhan nya lang ako. "Nasasaktan ako alam mo ba yoooooon?!" sigaw ko pa.
"Mahal na mahal pa din kita hanggang ngayoooooon!"
"Bakit wala ka pa ding pakealaaaaaaaaam?!"
"Tapos may bago ka na agaaaaaaad?!"
"Eh mas maganda naman ako dooooooooon!"
"Ano bang meron sya na wala ako haaaaaaaa?!"
"Sabi mo hindi mo ako susukuaaaaan! Pero anooooo?!"
YOU ARE READING
Make You Fall
Teenfikce[COMPLETED] Crystal Alexandria Madrigal Ramirez transferred to Hoshi High Academy to follow the love of her life. Sa pagpasok nya sa school na yon her peaceful life became a disaster. Dahil sa pagpasok nya marami syang nakilala. At isa na don si Kea...