Crystal's POV
"Tara sa mga gifts mo Bessy!" pagyayaya sa akin ni Kaye na kakatapos lang din kumain.
Pagkatapos ng walang habas na pagbabatuhan namin ng cake kanina ay naglinis muna kami ng katawan at nagpalit ng extrang uniform bago bumalik dito sa stage hall para kumain ng mga hinanda nilang pagkain. Btw, kasabwat nila ang mga teachers kaya automatically, wala kaming pasok ngayo sa afternoon classes. Kung paano nila napapayag ang mga teachers dito? I don't know how.
"Mamaya na lang." sagot ko at nilibot ang paningin sa paligid.
Hinawakan naman ni Kaye ang kamay ko at ngumuso. "Please naaaaa. Excited na akong makita ang mga gifts mo e. Isang bundok kaya sila oh." sabay turo nya sa mga regalo sa isang lamesa.
Kaye is right, isang bundok ang mga regalo na binigay nila sa akin. It's from different students here in our school. I was shock earlier when I saw it, nag-abala pa kasi silang magbigay ng regalo sakin e.
"Wala pa kasi si Kean e, kaya later na lang. Besides, hindi naman yan mawawala." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
Kanina pa kasi hindi bumabalik si Kean e. He said, he's just going to the Comfort Room dahil masakit ang tiyan nya. Tapos hanggang ngayon wala pa? Gaano ba kadami ang ilalabas nya?
"Eeeh! Pwede mo namang buksan ng wala si Kean e! Sige naaaa!" she clasped her two hands and pleaded.
"Huwag mo na syang pilitin Kaye, hindi yan papayag." tumayo si Gab sa pagkakaupo at mas humaba ang pagnguso ni Kaye. "Dapat hinihila na lang natin kaagad para wala ng atrasan." then she pulled me up forcefully at kinaladkad ako.
"Ang galing mo talaga Gab!" masayang sabi ni Kaye.
"Oh well. Excited na rin kasi ako makita ang mga gifts nya e. Hihi!" Gab exclaimed excitedly.
Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa kakulitan nilang dalawa.
"Ang bagal mo naman Sissy eh! Bukas na agad!" pagmamadali ni Gab.
Sinunod ko na lang agad ang sinabi nya at dali daling pinunit ang bagat gift wrapping ng regalong natanggap ko. Napalitan naman ng ngiti ang nakasimangot kong mukha. I really love their gifts. May nagbigay ng dresses and sandals na karamihan ay pink. I also received make-ups, accessories and bags which are expensives like, Louis Vuitton, Chanel and prada.
"Ohmygooosh! These gifts are really luxury, good quality, elegant, at lahat na ng magaganda. I envy you Bessy!" manghang-mangha na komento ni Kaye.
"Me too Sissy! Nakakainggit ka! Can you please give me some of your bags or make-ups na lang o kaya dresses? Kyaaaah!" naghi-hysterical na sabi ni Gab.
Napatawa na lang ako sa reaksyon nilang dalawa. "Pero regalo kasi nila sakin yu--"
"Kahit naaaaa! Pleaaase!" sabay nilang pangungulit.
Mas lalo tuloy akong natawa sa kanilang dalawa. "Alright. You can have some of them. Pero ako ang mamimili ah!" pagpayag ko na lang.
"Yes!" nag-apir naman silang dalawa at sabay na humagikgik.
Marami pang regalo ang hindi ko nabubuksan at kasama na doon ang regalo nila. "Wait, nasaan ba yung regalo nyo?" tanong ko. Hindi ko pa kasi nakikita e.
They averted my gaze in unison. "Wait lang nagugutom pa pala ako." Kaye said while massaging her tummy.
Napakamot naman sa ulo si Gab. "May atraso pa pala sakin si Franz. Hahanapin ko lang." she said.
Paalis na sana silang dalawa ng bigla akong nagsalita. "What?! Wala kayong gift sakin?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Ang lakas ng loob na manghingi ng regalo tapos sila wala namang ibibigay sakin.
YOU ARE READING
Make You Fall
Teen Fiction[COMPLETED] Crystal Alexandria Madrigal Ramirez transferred to Hoshi High Academy to follow the love of her life. Sa pagpasok nya sa school na yon her peaceful life became a disaster. Dahil sa pagpasok nya marami syang nakilala. At isa na don si Kea...