Chapter 105

29 6 0
                                    

Crystal's POV

"Baby! Matagal ka pa ba dyan?" tanong ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko.

Kakatapos lang kasing ayusin ni ate Margie ang hair and make up ko. Ngayon iniwan nila ako sa kwarto ko para makapag-bihis na ng gown ko.

"Wait lang po!" sigaw ko at kinuha na ang gown ko na nakalapag sa kama ko.

Tumapat ako sa salamin at maingat na isinuot ito. Pagkatapos kong ma-secure na maayos na ang pagkakasuot ay tiningnan ko ang kabuuan ko sa salamin at saka ngumiti. I'm so pretty with this gown. Pero pretty naman talaga ako e.

Umupo muna ako sa kama at isinuot ko na ang 3 inches stilettos ko saka dahan dahang tumayo. Kinuha ko ang purse ko at saka lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay wala si Mommy. Sa baba na siguro nag-antay.

Dahan dahan akong naglakad pababa ng hagdan at pagkababa ko ay nakita kong halos lahat ay nakanganga sa pagdating ko. Napangiti naman ako dahil doon. Sa last na baitang naghagdan ay nakaabang sa akin ang kakambal kong si Chris na nakasuot ng black na tuxedo habang may red na polo sa loob aat black tie. Bagay na bagay sa kanya iyon.

"Awww! Dalaga na ang baby ko!" sabi ni Mommy na pinupunasan ang luha.

Lumapit kaagad ako kay Mommy at niyakap sya. "My naman. Don't cry." sabi ko.

Natawa naman si Dad. "Oo nga honey. Hindi pa debut ng anak mo at lalong hindi pa ikakasal si Crystal." natatawang saad ni Daddy.

Sinamaan sya ng tingin ni Mommy. "Kahit na. I'm so happy na lumaking maganda ang anak ko." humarap sya sa akin. "You're so gorgeous, beautiful, pretty , lahat na ng maganda baby." sabi ni nya habang nakatingin sa akin.

I smiled. "Of course, Mana ako sa inyo My eh." sabi ko at nag-wink sa kanya.

She smiled back. "Aba oo naman. Sa ganda ng Mommy mo, talagang maganda ka din." she said habang hinahawakan ang mukha nya.

Natawa naman ako ng bahagya. "Bagay na bagay sayo ang gown na suot mo." Dad said.

Nginitian ko sya. "Thanks Dad." sabi ko.

Nakausot ako ngayon ng Navy Lace Applique Off shoulder Princess Ball gown na gawa ni Ate Margie at bumagay ito sa maputi kong skin color.

"Ang bilis ng panahon, dati ang liliit nyo pa tapos ngayon, nakasuot na kayo ng formal dresses." emosyonal na sabi ni Dad.

Nilapitan ko sya at niyakap din. "Aww. Dad, ang OA mo din. Sabi mo nga po hindi ko pa debut o kasal e." natatawang sabi ko.

Ngumiti lang si Dad. "Basta, huwag sa simbahan ang diretso. You're too young to married, ayaw ko pa ng apo--"

"Dad naman! OA nyo talaga. Sa Majestic Ball lang ang punta namin!" nahihiya kong sabi.

Tumawa naman si Dad. "Just reminding you, malay ko ba kung bigla ka na lang yayain ni Kean magpakasal ngay--"

Namula ako sa sinabi ni Daddy. "Dad naman ee!" reklamo ko sa kanya.

"Oo na. Basta mag-ingat kayong dalawa ni Chris." sabi ni Dad at tumingin kay Chris.

"Tsss. Akala ko hindi nyo na ako papansinin e. Pupunta rin naman ako sa Majestic Ball." nakasimangot na sambit ng kakambal ko.

Inakbayan naman sya bigla ni Kuya Drex. "Ows. Nagseselos si Chris oh! Hindi napuri sa itsura nya." pang-aasar nya.

Inalis ni Chris ang pag-kakaakbay. "Tsk. Hindi kaya. Alam ko namang gwapo ako e." mayabang na sagot nito.

"Tss. Yabang. I'm more good looking than you are." sabi naman ni Kuya Drex.

Make You FallWhere stories live. Discover now