Crystal's POV
This is our third day here in Coron at nagplano sila na sumakay sa banana boat na hindi ako kasama. At nakakainis sila kase iniwan daw ba akong mag-isa sa kwarto, ang sarap kase ng tulog ko tapos pagkagising ko wala na sila sa resort. I go out to look for them and I caught them putting their life jackets.
"Sure ka ba na sasama ka pa?" tanong muli ng lalaking nasa tabi ko.
Busy kasi ako sa paglalagay ng life jacket e at kanina pa ako kinukulit ni Kean. "Hindi ka ba nagsasawa magtanong?" this time hinarap ko na sya.
He chuckled. "Why would I? Kung para sayo naman ang pagtata--"
Umiling na lang ako at naglakad na papunta kila Kaye at iba pa naming kaibigan. Malapit na sana ako sa kanila ng mapatigil ako sa paglalakad dahil sa biglaang pag-kirot ng ankle ko. Bakit ngayon pa sumakit?
"Yan ang sinasabi ko e." someone kneel down in front of me and massage my ankle. "Does it still hurt, baby?" he asked.
Bigla kong naalala yung nangyari nung first official date namin. Natapilok ako noon at ganito din ang nangyari, lumuhod sya para tingnan ang ankle ko.
"Baby? Answer me." bigla akong natauhan sa pagtawag nya sakin. Why is he still calling me that way? "Tell me, gaano kasak--"
Pwersahan kong inalis ang paa ko sa pagkakahawak nya. "I'm fine." cold kong sabi at napangiwi ako pero hindi ko pinahalata. Ang sakit kaya!
Kahit na masakit ay pa-ika ika akong naglakad makalayo lang sa kanya. I've decided yesterday that I shouldn't talk to him instead I should avoid and ignore him like what I'm supposed to do. Pero kasi sya tong lapit pa din ng lapit.
"You're not fine. Halika na ihahatid na kita pabalik ng resort." sinundan pa din nya ako at hinawakan sa braso pero hinawi ko agad ito.
Matalim ko syang tiningnan at napaatras sya sa ginawa ko. "I said I'm fine Kean!" itinuloy ko ang paglalakad. Paano ko sya hindi magagawang kausapin kung ganito sya kakulit?
Dahil nga sa masakit ang paa ko at bagal kong maglakad ay naabutan nya ako. "Sa nakikita ko hindi ka okay. Baka kung ano lang ang mangyari sayo kapag sumama ka." patuloy lang sya sa pagdada at hindi ko sya pinapansin.
"Kasama mo ako and I wouldn't let something happened to you. But it's still better kung magpapahinga ka na lang--"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya. "Bakit ba ang kulit mo Kean?! Hindi ka pa din tumitigil! When I said I'm okay, I'm okay! I can manage myself. At kahit na kasama kita, wala akong pakealam dahil hindi ko kailangan ng tulong mo!" naiiritang sigaw ko.
Yumuko lang sya at para bang nasaktan sya sa sinabi ko. But I don't care. Iniwan ko na lang sya doon at naglakad na patungo kila Kaye at Gab.
"Nakita namin yung ginawa mo." naka-crossed arm na sabi sakin ni Kaye.
Nakapamaywang na nakaharap naman sakin si Gab. "Hindi tama yung ginawa mo."
Nagkibit balikat na lang ako. "He's really annoying. Kaya tama lang yun." sagot ko.
"Nag-aalala lang sya sayo bessy. Tapos ginanon mo?" umiiling na tugon ni Kaye.
I sighed. "I didn't asked him to worry about me. At saka wala naman dapat syang pakealam sakin diba?" I retorted with a cold voice.
Tumingin naman ako sa direksyon ni Kean na kinakausap ng mga kaibigan nya. It's like they are comforting him.
Gab put her right hand on my shoulder. "Lagi mong sinasabi na wala sya dapat pakealam sayo. Because that's what you wanted to believe sissy." makahulugang sabi nya sakin.
YOU ARE READING
Make You Fall
Teen Fiction[COMPLETED] Crystal Alexandria Madrigal Ramirez transferred to Hoshi High Academy to follow the love of her life. Sa pagpasok nya sa school na yon her peaceful life became a disaster. Dahil sa pagpasok nya marami syang nakilala. At isa na don si Kea...