Chapter 86

45 11 0
                                    

Crystal's POV



Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko at naga-abang ng text or tawag mula sa kanya. Uwian na kasi namin at totoo ngang hindi sya pumasok maghapon. Balita ko hindi rin pumasok ang buong H4 e. Ano na naman kaya ang ginagawa ng mga lokong yun? Ni-kapirasong text or miss call WALA!

"Anong klaseng mukha yan bessy?" sabi ni Kaye na pinagtaasan ako ng kilay.

Pinagtaasan ko din sya ng kilay. "Mukha ng kagandahan?" inosente kong sagot at ininom ang order kong Caramel Frappuccino.

Napagdesisyunan kasi naming dumiretso dito at tumambay muna dahil Friday naman ngayon at kakatapos lang ng klase.

Napangiwi naman sya sa sagot ko. "Mukha ng kagandahan ba yan? Nakanguso tapos nakakunot na noo at malungkot na mata?" inilapit nya ang mukha nya sakin kaya napaatras tuloy ang mukha ko. "Parang Biyernes santo yan bessy eh." she added.

Inirapan ko sya. "Sige lang bessy asarin mo pa ko. Dapat i-cheer up moko e." nakanguso kong sabi.

"Hindi pa rin ba sya nagte-text or tumatawag sayo?" tanong ni Gab.

Mabilis akong umiling. "Hindi pa nga e." malungkot kong sagot.

Umupo sya sa tabi ko. Akala ko ico-comfort nya ako, pero nilagay nya ang ulo nya sa balikat ko. "Waaaaa! Sakin din eh! Namimiss ko na si Franz!" pagmamaktol nya.

Napatampal na lang ako sa noo. "Hindi ka naman talaga itetext nun e." natatawang sabi ni Kaye.

Napatingin sa kanya si Gab. "At bakit naman hindi? Ako nga laging nagtetext or tumatawag sa kanya e."

"It's just a waste of time." sabay naming sabi ni Kaye at ginaya pa ang cold na boses ni Franz.

"Yan ang lagi nyang sinasabi kaya wag ka ng umasa sissy." sabi ni Kaye.

Gab pouted her lips and rolled her eyes. "One day, matututunan din nya akong mahalin no! At saka maghahabol din sya sakin! Just wait girls." confident na sabi nya.

"In your dreams." Kaye and I said in unison.

Sinaman nya kami ng tingin. "Wala talaga kayong tiwala sakin huh? Nakakatampo kayo. Hindi ko alam kung kaibigan ko kayo e. Imbes na--ummfff."

Sinubuan sya ni Kaye ng isang buong cookies para tumigil na sya. "Sshh. Oo na sissy. Lagi ka namang nagtatampo e." sabi ni Kaye at kumagat sa cookie nya.

Kinain ko na lang din ang inorder kong Banoffee Pie. It's a Pie dessert made of bananas, cream and toffee. Sobrang sarap nya, when you slice it the cream will over flow. And it's really amazing. You must try it guys. Nag-endorsed pa nga.

Habang kumakain ako bigla namang tumunog ang phone ko. Nagningning naman ang mga mata ko dahil doon at agad kong binuksan ang text. But my smile faded when I realized that the text is from my Twin Brother and not from him. Aish! Asa kase ng asa eh!

"Sinong nag-text? Si Kean na ba yan?" tanong ni Gab at sumilip pa sa phone ko.

I shook my head as a sign of no. Binasa ko muna ang text ni Chris.

From: Twin Chris💗

           Are you home now?

Kumunot naman ang noo ko sa text nya. Bakit? Hindi pa ba sya nakakauwi? 'Malamang. Magtatanong ba yun kung nsasa bahay na sya?'

To: Twin Chris💗

             Not yet. Why?

Make You FallWhere stories live. Discover now