CHAPTER 1: D'Sarmientos

611 24 2
                                    

                  Chapter 1

Raine's POV

      Now, its time already. Masaya kong isinilid sa loob ng bag ko ang mga gamit ko. I looked at my wrist watch, 5:15 pm na. Bwisit lang talaga at nagover time pa ung last sub namin.

"Oy Raine? Anong oras nga pala ung party ng bebe mo?"-tanong sakin ni Bing.

"6 daw."

"Ow.. Sabay-sabay na ba tayo?"-tanong nya na ngayon ay na kay Aya na ang paningin.

Bago pa sila magreact, ay pinangunahan ko na sila.

"Mauna na kayo. Susunod ako."

"No no no"-singit agad ni Bing na kitang kita ko ang pagtataray ng kilay nya. "Sabay sabay nga tayo eh, mamaya nyan hndi ka pa sumunod edi patay kami kay Weslee, diba Aya?"

"Tumpak ganern! At saka nagtext si SweetiePie kanina, sabay daw tayong tatlo. Iisa ang invitation natin, at nasa akin yun."-wika ni Aya at iwinagayway ang puting sobre sa harap ko.

Pinanliitan ko lang sila ng mata.

"Sino namang nagsabe na hindi ako pupunta?"

"Ikaw pa ba? Ikaw yan e, capital R for RAINE. Hello? Sa yabang mong yan? At saka alam kong hindi ka mahilig sa mga party."

"Yep, matulog pwede pa."-dugtong pa nung isa.

"Ano ngayon? Buhay ko to. Ggawin ko anuman ang gusto ko."-kibit balikat kong sagot at dumiretso na sa may pinto.

Pero agad naman silang humabol sa likuran ko.

"Hep! hep! hep!"

"Raine naman, wag na matigas ang ulo."

"Kelan ba lumambot ang ulo?"-pambabara ko kay Aya.

"....."-loading..

Hayyy. Kahit kelan talaga.

"Susmaryosep ka talaga Nathalia. Kung anong ikinaganda mo, sya namang ikinapurol ng utak mo!"-bulyaw sa kanya ni Bing.

"Eh kung sayo ko kaya itanong, kelan lumalambot ang ulo?"

"Kelan nga ba? Common sense naman uy. Jusko ka beh, oops, english yun. Spell common sense."

Napailing na lang ako, bakit nga ba ako nakikinig sa walang kakwenta-kwentang usapan ng dalawang to? First of all walang patutunguhan, second, just a waste of time.

At dahil nagtatalo sila hindi na nila namalayan na nakalabas na ako ng pinto. Nagsimula na akong maglakad palayo. Pero rinig na rinig ko pa din ang usapan nila.

"Oh ano? I dare you, hahaha spell common sense."

"Hoy bakla alam ko yun ah, makapang-maliit ka naman."

"I-spell mo nga."

"C-o-m-o-n... Ah tpos? ahm n ulit. Tapos S-i-n-c-e!"

"HAHAHHAHAHA"

Sa paglayo ko ay halakhak ni Bing ang narinig ko. Shete, Comonn Since daw sabi ni Aya. Anakngputakte.

Nagdire-diretso ang lakad ko. Ramdam ko na naman ang mapanusok na titig sa akin ng mga kababaihan. May mga harap-harapang umiirap, may umuugong na nagbubulungan at kita ko ang masama nilang tingin sakin. Nilalagpasan ko lang silang lahat at ang ibang magbabantang humarang o balakan ako ng masama ay tiyak na magsisisi.

Papaliko pa lang ako ng hallway para tunguhin ang gate ng humarang sa daan ko si Myssa with her 2 prop girls.

Si Myssa ang least na babaeng gugustuhin kong makita kada-araw. Isa sya sa nagpapamiserable ng buhay ko dito sa campus. Grabe ang galit nito sakin mula noon pa man, at lalo na ngayong nililigawan(kunno) ako ng ultimate crush nyang si Van. Si Van Weslee Sarmiento. Ang isa sa LIMA.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now