Chapter 46
Raine's POV
Maaga akong naalimpungatan, pinilit kong muling matulog dahil ilang araw na din akong puyat pero hndi na ako dalawin ng antok.
Pabali-baliktad ako sa kama ng biglang umukit sa isip ko ang nangyari kay Mama sa Cebu. Kalalabas nya lang ng ospital kahapon. Malakas ang kutob ko na hndi dahil nakakain sya ng bawal na pagkain, dahil ibang serving ang sa kanila ni Papa at sinigurado naming pwede sa kanya ang mga dish na kanilang kakainin.
Malamang may sumadya nito, kung sino man hndi pa namin alam dahil kae-email ko lang dun sa supervisor ng resort. At hndi pa sya nagrerespond.
Alas-singko pa lamang ng umaga, bumangon na kaagad ako at napagpasyahan kong magluto. Tulog pa sina Mama at Papa. Sinilip ko si Wren at tulog pa rin sya sa kwarto nya. Nag-away jase kami kagabi kaya hndi sya tumabi sa akin. Ang tigas kase ng ulo ng isang yon.
Pinagluto ko sya ng paborito nyang pancake para paggising nya ay magkabati na kami. Tutal susunduin na rin sya bukas nina Mrs. Marquez.
Speaking of her, wala syang kapaki-pakialam sa nangyari kay Mama, ni hindi ko man lang nakita miski anino nya sa ospital. Samantalang ang asawa nya naman ay nagpunta dito kagabi para dumalaw. Dito na rin sya naghapunan.
Habang naghahain ako ng aking ma niluto ay biglang tumunog ang telepono sa may sala. Sino naman kayang tatawag ng ganitong oras?
Bakit pakiramdam ko si Vios to? Hmn.?
Tinungo ko ito sabay sagot pero ibang boses ang bumungad sa akin.
"Hello goodmorning!"-masigla nyang bati. "Can I speak to Ms. Dhina Marquez? This is Arliz Torre, the supervisor of Cancuay Resort."-pakilala nya.
Sya pala yun.
"Dhina speaking."-tugon ko at medyo naaalibadbaran akong banggitin ang first name ko. Hndi ako sanay, pwe.
"Ahm. Hello Mam. Tungkol po dun sa CCTV footage na nakuha ng iras na hinihingi nyo. Hndi pa po sya available."
"Ahh, kelan po kaya pedeng makuha ang copy?"-pagbabakasakali ko.
"Ahm, estimated date would be January 23 po, next next week."-napaisip ako. Masyadong matagal, nangangati na akong malaman kung sino ang nasa likod ng pangyayaring yon. Pero wala naman akong choice, ang mahalaga ay malaman ko ang totoo. "Mam? Still there?"
"Mm. Okay lang, basta sana wala pong makakaalam nito. Kapag ayos na yung copy send nyo napo sa akin. Ayokong may ibang makakaalam nito."
"Yes Mam, noted. Is that all?"
"Yeah. I'll hang up. Thankyou Mrs. Torre."
"Welcome Mam, bye."
And I ended the call. Di bale na kung kailan ko pa makuha ang copy. Basta sa oras na makilala ko kung sinong may kagagawan ng lahat. Mananagot sya sa katarantaduhang ginawa nya.
Hndi pa ko nakakaalis sa sala ay tumunog muli ang telepono.
"Yes Mrs. Arliz?"-tanong ko baka may nakalimutan syang sabihin.
"Sino si Mrs. Arliz?"-tanong ng nasa kabilang linya at napagtanto kong ang boses na ito ay boses ni Vios.
"Tsk aga ah."
"Tsk goodmorning rin."-sarkastiko nyang tugon. "Ayos ka din talaga no?"
"Bat ka napatawag?"-tanong ko para putulin na ang kadramahan nya. Andami na namang idadadal nito panigurado.
"Andito ako sa labas ng bahay nyo. Open the gate."-utos nya.
WOW.
"Inuutusan mo ba ko?"
YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
