Chapter 33
Raine's POV
Nasa room lang naman ako pero daig ko pa ang nasa hot seat ni Boy Abunda.
Pano ba naman panay ang imbestiga sa akin ng dalawang ito.
Mula kahapon ay umuugong na ang usaping pinag-aagawan daw ako ng magkapatid na Sarmiento.
Anong kahibolan naman yun? Kala mo naman sobrang ganda ko para pagusapan nila ng ganon. Mga peste.
"Eh pano nga yan? Ansama ng tingin sayo ng mga estudyante?"-tanong ni Bing. "Naiimbyerna na talaga ang beauty ko. Impakta, sarap nilang ilampaso."
"Kaya nga. Kainis, at ikaw naman Raine hanggang hindi ka nagsasalita hndi matitigil ang usap-usapan sayo."
Alam ko naman yon, usap-usapan kase rito na malandi daw ako, na pinatos ko daw yung magkapatid, na ginayuma ko raw yung dalawa. Like wtf. Masyadong malalawak ang isip nila na pati mga imposibleng bagay naiisip nilang mangyayari.
"Raine ano? Walang pake ganon?"-usal ni Bing na wari koy naiirita na din sakin. "Ganyan ka maghapon? Hahayaan mo lang silang ganon ang sabhin sayo? ako hndi makakapayag, kaya ko silang sabunutan lahat."
"Tsk. Ano namang mangyayari kung sasaktan ko sila. Lalo lang dudungis ang pangalan ko."
"Eh pano nga?"
"Anong gagawin mo?"
"Go with the flow."-sagot ko sa makukulit nilang tanong.
Naiirita na din ako.
"GO WITH THE FLOW!?"-sabay nilang tanong na parang di makapaniwala.
"Ganon na lang yun?"-tanong pa ni Aya.
"Ganon na lang."-tugon ko at tumayo.
"San ka pupunta?"
"Sa tabi-tabi lang. Babalik din kaagad ako."
"Sama kami."
"Hindi na."
"Dali na ngaaaaa"
"Wag na."
At dahil alam nilang hndi nila ako mapipilit ay di na sila nagbakasakali pa. Tumahimik na sila at ako naman ay nagtuloy-tuloy na palabas ng aming room.
Kailangan kong makausap si Vios. Kailangan ko ng ayusin lahat, tapusin lahat.
Napakalaki ng dalang problema ng kalokohang to.
Papunta pa lang ako sa 1st year building ay mas lalong kumulo ang dugo ko. Makakasalubong ko na naman si Myssa with her Prop Girls. Maninira na naman sila ng araw. Wrong timing naman mga to, kung kelan wala ako sa mood.
"Hi Raine."-bati nya. "Girls greet our friend."-utos nya sa dalawang kasama.
"Hi Myssa my friend."-they said in chorus and glared.
"Ouch naman."-sabay sabay nilang reaksyon. Mga mukang tanga.
"Ansakit naman nyan Raine. D mo man lang kami babatiin pabalik? Seen zone lang eh."-saad ni Myssa.
"Sorry mahina signal e. At pagka ganitong mahina ang connection, mainit ulo ko. Nababadtrip ako. Gusto kong pumatay ng tao."-seryoso kong sambit at tiningnan sila isa-isa.
"Ooohh. Scary!"-sabay na sabi nung dalawang design sa tabi nya.
"Dont be so rude namn. Were here para batiin ka girl. You win, because naakit mo sina Van and Vios."
YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
