Chapter 25
Vios' POV
Pabali-baliktad ako ng higa sa kama ko. Humahanap ako ng magandang pwesto pero parang sinisindihan naman ang katawan ko dahil hndi talaga ako mapakali..
Bumabalik sa utak ko ung usapan namin ni Raine.
Special.
Special para sa kanya si Kuya. Eh ako? Isang hamak na bata lang ang tingin nya sa akin?
Hindi ba talaga kami pede? Hndi pa ba sapat na gusto ko sya? And Im willing to do everything for her.
Hndi naman porque mas bata ako sa kanya ng dalawang taon e hndi na kami compatible no. Actually I think, we were perfect match.
Napangiti ako sa aking sarili. Sana. How I wish. May kung anong kumurot sa puso ko, ni hndi ko nga man lang sya napapayag na baguhin ang desisyon nya.
Pano na lang sa Aquaintance Party. Speaking of, may bigla akong naalala. 2 years ago. Wala pang Raine. Pero may isang babae, na gaya rin ng sitwasyon nya.
Hinayaan ko ang sarili kong lamunin ako ng alaala ko mula nung nakaraan.
~Flashback
Umattend lang ako ng Aquaintance Party na ito dahil kay Kuya. Pinilit nya ako kase aaminin nya na daw sa lahat ang babaeng gusto nya.
Medyo corny. Tssk.
Pumunta ako sa drinks, per ayaw akong bigyan ng bartender ng hard, dahil raw 17 pa lang ako.
Yucks, eh samantalang umiinom na nga ako ng ganon sa bahay.
Ninamnam ko ang alak na binigay nya. Fvck! What's this?
"Ladies drink ba to ha kuya?"
"Hndi po Sir, yan po tlaga ang para sa inyo. Minor kayo e."
"I can control myself."
"Kahit na po"-pagmamatigas nya at binigyan ng alak ang mga estudyanteng nakapila..
Nagsisisi na talaga ako. Sana tlaga hindi na ko pumayag na umattend e.
Umupo lang ako sa isang sulok at tumitig sa dance floor.
Pero isang babae ang nakakuha ng atensyon ko. She's wearing a simple yet elegant peach dress. She look so pure and innocent. Nakapaikot ang buhok nya at may konting laylay na hibla sa una. She is so beautiful.
Hndi ko akalain na hahanga ako ng ganon sa isang babae, at take note sa unang kita pa lang. Hndi ako naniniwala sa 'Love at First Sight' pero this time, I can sa that Im interested on her.
Palinga-linga sya na mukang may hinahanap. She's so cute. Iginala ko ang paningin ko, busy ang lahat.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Hi Miss? Need help?"-I asked as I approached her.
And then she flashed her genuine smile. Sht.
"Ahm, Vios right?"-tanong nya.
Wait. Kilala nya ako? Swerte rin naman pala tlaga ako kahit papano..
"You know me?"
"Ahuh."
Hindi ko mapigilang ngumiti. Nkakahiya rin kase nakatitig sya sa akin.
"But why?"
"Ahm."-umiwas sya ng tingin sa akin at hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok. Aish hndi ba sya aware na ang cute nya kapag ginagawa nya yun? Natu-turn ako, pigilan nyo ko.

YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...