Chapter 59
Raine's POV
Pagsabog. Malakas na pagsabog ang natatandaan kong narinig ko bago ako makarating sa puting silid na ito.
Iginala ko ang aking paningin. Nakahiga si Papa sa ulunan ko. Si Wren naman ay nakahiga sa hita ni Mama sa may sofa.
Nasa ospital na pala ako. Kagabi ang natatandaan ko lang kasunod ng malakas na pagsabog ay ang pag-alingawngaw ng pangalan ko sa buong building at kahit hndi ko na itanong o alamin pa. Alam kong kay Vios nanggaling ang boses na iyon.
Hindi ako natakot na humarap kay Ryan, kahapon. Alam ko ang ideya na magkakalaban kami. Pero ang lubos ang ikinatakot ay yung maaaring mangyari kina Bing at Aya. At sa amin ni Vios.
Tiningnan ko ang aking mga braso. May konting sunog lang. Sinuro ko ang aking katawan at hindi ko namalayan na gising na pala si Papa.
"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Nahihirapan ka bang huminga?"-sunod-sunod nyang tanong. And the most worried expression was written all over his face.
"Pa, look Im okay. Im smiling aren't I?"
"Pinag-alala mo ko anak. Nung tawagan ako ng ospital, hindi namin alam ng mama mo ang gagawin."
Napakaswerte ko talaga sa kanya. Hndi man ako pinanindigan ng aking tunay na ama. Biniyayaan naman ako ng amang higit pa sa kailangan ko.
"Pasensya napo kayo kung pinagalala ko kayo. Pero yakang-yaka ko naman ho yun"-pagmamalaki ko at kinindatan sya.
"Sa susunod wag mo ng uulitin yon. Wag mo ng isusubo ang sarili mo sa kapahamakan. Pano kung may masamang manyari sayo? Pano kami? Hindi namin kakayaning mawala ka, anak."
Sa kada-bigkas nya ay parang hinahaplos ang puso ko. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nila sa akin.
"Pa naman, ang drama drama mo. Saka ito oh, ang lakas-lakas ko. Buhay na buhay ako. Saka dala-dala ko lagi yung mga self-defense na natutunan ko nung ipasok nyo ako sa taekwondo noon. Sisiw lang sakin ang mga yon."-pagmamayabang ko. Ayoko lang na mag-aalala pa sya ng tuluyan.
Nginitian nya ako. Biglang sumagi sa isip ko sina Aya. Sa pagkakaalala ko bago sumabog. Nkita ko sila at itinulak ko sila sa may labasan.
"Sina Aya at Bing po?"
"Maayos sila. Umuwi na sila sa kani-kanilang bahay para don magpahinga. Wala silang kasugat-sugat. Nagpunta nga sila rito kasama ang mga magulang nila. Sobra silang nagpapasalamat sa inyo ni Vios."-pahayag nya.
Masaya ako na walang nangyaring masama sa kanila. Dahil yun ang pinapanalangin ko. Pero sya? Kamusta kaya sya?
"Si Vios po?"
Imbis na sumagot sya ay kinuha nya ang sulat na nasa ibabaw ng lamesa sa gilid nya at inabot ito sakin.
"Nakalabas na sya ng ospital. Iniwan nya yan sa akin kanina."
Binuksan ko ang sulat.
Raine,
Siguro pag nabasa mo to, malamang wala na ko rito sa ospital. Pero gusto kong malaman mo na okay lang ako. Mabait talaga ang Panginoon at mabilis tayong nailigtas ng mga rescuer bago tayo tuluyang masunog sa building na yon.
Pero isang rescuer ang pinakamabait at pinakamatapang. Dahil ng malaman nya ang sitwasyon natin. Dali-dali nya tayong pinuntahan para sumaklolo. Hinanap nya tayo kahit umaapoy na ang building. Hindi sya tumigil hangga't hindi tayo nakakalabas ng buhay.
YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
