Chapter 37
Bing's POV
"Beh nasan na ba yang si Aya?"-tanong ko kay Raine.
Nandito kami ngayon sa room. Inaayos namin yung ipapasa namin para bukas. Ewan ko ba dyan sa Ayapot na yan. Nakikipaglandutan na naman siguro kay Jeilo. Puro talaga kaharutan ang inaatupag ng isang yon. Hay nako.
Buti pa ako kahit maganda, chill lang. Hindi naman kase dapat minamadali ang mga ganyang bagay. Kusa yang dumadating.
Parang si Fafa Joaqs, kusang dumating at kusang tumibok ang puso ko para sa kanya. Eish enebe.
"HOY!"
At nagulantang ang beauty ko sa pagtaas ng boses ni Raine. Agad ko syang tiningnan ng masama, pero binawi ko din kaagad, dahil masama rin ang tingin nya.
Ano na naman kaya teh?
"Why? Magsasalita ka na lang din, pasigaw pa. Jusme girl."
"Nasan na kase ung folder? Iko-compile ko na to."-saad nya at padabog na hinigit ang mga sketches sa ibabaw ng table nya.
"Ito oh."-tugon ko at iniabot sa kanya ang folder na ipinuputok ng butsi nya. "Bkit ba ang init ng ulo mo ha?"
"Meron ako. Gumawa ka na lang dyan."
Napatango-tango na lang ako sa nakuha kong sagot mula sa kanya.
Ahh kaya pala. Sana all nagkakameron, hahahah chareng lang. Kemerot ganon.
Kaya pala mainit ang ulo nya, so hndi ipinuputok ng butsi. Kundi ipinuputok ng puday nya.
Pfftt. HAHAHAHAHAHA. Yan ang mahirap sa pagiging babae.
Minadali ko ang pag-aayos para naman makalabas na kami. Gutom na gutom na ko. Kung sa bagay pede naman na kumain na ako e, kaso inaaya ko naman ang isang to, masyado namang masipag. Ayaw magpaawat. Tapusin raw muna bago magluho.
Like dapak? Luho ba ang pagkain? Gaga talaga ang isang to. Hayst, kastress. Makukunan ako ng lagay na to.
"Raine, Bing!"-matinis na tawag ni Aya sa amin na nasa tapat lamang naman ng bintana.
"Raine Bing!""Paulit-ulit Aya? Unli ka? Malayo ba tayo sa isa't isa ha?"-pakli ko dahil nakakaiirita ang boses nya. Gutom na nga, mambubwisit pa.
"E kase nga."-she paused and breath heavily. "Ano kase..."
Aba naman talaga ang babaeng to, pabitin. Inuuna pa ang paghinga ng malalim anakngtokwa.
"Kingina naman, sabhin mo na. Or else jujumbagin talaga kita."
Inirapan nya lang ako. "Shatap baklang mukang tilapia. Si Raine ang pakay ko. Tss."-pangpepeste nya.
"Hoy ang kapal mong garapal ka!"-angil ko at binato sya ng pambura.
"HAHAHAHAH"-pero alam nyo na. Dahil nga kulang sya sa aruga, tinawanan nya lang ako. Nakakaimbyerna diba. Binalinga nya si Raine. "Raine si Van at si Vios.."
Bigla akong kinabahan. Ano naman kayang nangyari? Baka nag-away na naman sila.
"Anong nangyari?"-tanong ni Raine na halata na rin ang pag-aalala.
"Nagbabasketball. 1 Versus 1. puntahan mo. Para daw sayo yon. yieeeee"-pagkukwento nya na may halong kilig.
Maharot talaga, pulang-pula ang pisnge e.
"Para sakin? Bakit?"
"Kung sino daw manalo, syota mo. Ayon, ang unang maka-10 points syang panalo."

YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...