CHAPTER 47: Stay

81 6 0
                                    

                  Chapter 47

Vios' POV

    Nagmamadali akong maglakad patungo sa canteen. Kung hndi ako nagkakamali break time nina Raine ngayon. Sana lang maabutan ko sya ngayon.

Pagkarating ko roon ay inilibot ko ang mata ko para hanapin sya. Pero wala. Inikot ko uli ang paningin ko, pero wala talaga. Palabas na ako ng makasalubong ko sina Aya at Bing. Ineexpect ko na nasa likuran nila si Raine, pero wala rin.

"Where's Raine?"-tanong ko.

"Ah eh--"-nauutal-utal si Aya sa pagsagot sa akin at hnd sya makatingin ng diretso.

May mali talaga.

"Wher's Raine Bing?"-baling ko rito sa isa. "Please sabhin nyo sa akin kung nasan sya. Ano bang nangyayari? Ha?"

"Ganito kase yon Vios.."

"Bing.."-pigil ni Aya sa anumang maaaring sabhin ni Bing sa akin.

"Aya kaibigan rin naman natin si Vios. Tulungan natin siya... Tulungan natin sila."-makatwiran nitong sagot.

Dahil sa paninindigan ni Bing ay nabubuhayan ako ng pag-asa.

"Please guys. Im begging you."

Naglakad si Bing para mas lumapit sa akin. "Vios wala ako sa lugar para makialam sa kung ano mang nangyayari sa inyo."-panimula nya.

"Ano bang nangyayari sa amin? Wala akong maintindihan."

"Teka lang! patapusin mo muna ako. Wla din akong maintindihan."

"Bakla diretsuhin mo na. Pag naabutan tayo ni Raine, malilintikan tayo nito eh."-asik ni Aya at pinandilatan ng mata ang kaibigan.

"Vios kase.. Sa tingin ko may problema si Raine. Wag mong sasabhing sinabi namin sayo to, pero inutusan nya kami na wa sasabhin kung nasaan siya. Pumapasok naman sya, nagtatago nga lang sayo.."

Kinabahan ako sa narinig ko. Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit nya ako pinagtataguan? Ayaw nya na ba sa akin? Makikipaghiwalay na kaya sya. Sht.

"Tell me nasan siya ngayon?"-tanong ko.

"Vios yun na lang yung masasabi namin sayo.. Hndi namin dapat pakialaman ang nangyayari sa inyo.  Baka mas lalo lang kaming makagulo."-giit ni Aya.

Napahiya ako sa kanya. Hndi ko nga naman sya dapat pilitin.

"Una na kami."-paalam nya at tumango lang ako. "Tara na Bing."

Umuna na sya sa paglalakad papasok sa canteen. Samantalang bago umalis si Bing sa harap ko ay may sinabi sya.

"Mamayang uwian. Sinasadya nyang magpahuli ng labas. Nagpapasundo na rin sya kay Mang Raul lagi dun sa pinakalikod ng parking lot. Alm nya kaseng tago yun at hndi mo na yun pupuntahan. Abangan mo sya mamaya."-sambit nya at tinapik ang aking balikat. "Sana magkaayos kayo."

"Salamat."

Wala ng salita pang lumabas sa aking bibig. Why do I feel so down? Sana maabutan ko sya mamaya. Sana maayos ang patunguhan ng usapan namin.

Salamat kay Bing.

Sinundan ko sya ng tingin. Kita ko ng inamoy nya ang kamay na inihawak nya sa balikat ko. Tapos nilingon nya ako sabay kindat.

Tss. Hahaha. Mabuti na lang at naiintindihan nya ako.

Bumalik ako sa room namin. Sinasabi ko na nga ba at may problema kami. Ikatlong araw na ngayon na hndi nya ako pinapansin. Dahil mula lunes ay gulong-gulo na ako ng sabhin nya ako ng mga bagay na hndi ko naman maintindihan.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now