Chapter 48
Raine's POV
Nagkaayos kami ni Vios, matapos ang mag-iisang linggo naming pagiiwasan. Sa ginawa nya, may natutunan rin naman ako. Mas lumakas ang loob ko.
Siguro panahon din naman para pakinggan ko sya. Dahil napatunayan kong kahit na iba ang paniniwala nya sa akin. Napakalawak din naman ng isip nya.
Isa pa, sya yung taong soft, kaya nakakatakot at baka masaktan ko sya ulit.
Dahil rin dun sa sulat kaya ko nalaman na ung sender ng mga sulat sa akin ang may kagagawan ng nangyari kay Mama sa Cebu. Tama nga ang hinala ko na sinadya iyon.
Katatawag lang rin sakin kanina ni Mrs. Arliz Torre na bukas na bukas rin ay lalabas na yung copy ng CCTV footage sa kusina ng pinangyarihan.
Panahon na para magbayad ang may sala.
Ngayon naman ay nasa sala ako at nagiintay kay Vios. Oo, nagiintay ako. Pambihira ang lalaking yun. Sabi nya 7 o'clock nya ako susunduin kaya gumayak ako ng maaga pero 7:34 na at wala pa rin siya.
Sinasayang nya talaga ang oras ko. Edi sana nakatulog pa ko, kung alam ko lang.
"Ate? Why so early?"-tanong ni Wren na kabababa lang sa hagdan at nagkukusot pa ng kanyang mga mata.
He's so cute.
"May lakad kase kami ni Kuya Vios ngayon."-tugon ko at kinandong sya. "Ang laki mo na talaga ang bigat mo na."
Inirapan nya ako. "No Im not chubby! Im fit!"-giit nya at umalis sa kandungan ko. "Look"-sumbat nya at pinakita ang muscles nya na invisible pa din naman.
"Pahawak nga titingnan ko kung matigas."
"No! Para to sa mga chixx ko paglaki. Kung gusto mong humawak, yung kay Kuya Vios ang hawakan mo!"-asik nya sa akin.
Aba't! ang batang ito, san nya nakukuha ang ganong mga klase ng salita.
"Hoy Dylan Wren, itatak mo to sa utak mo."-pagdidiinan ko habang sinusundot ang noo nya. "Masama ang pagiging chick boy. Hndi nakakagwapo yon."-paalala ko at sinimangutan nya lang ako.
"Ate gwapo na talaga ako! Hndi ko na problema yon."-pagmamalaki nya.
Masama talaga ang nasa isip ng isang to. Feeling ko hndi to magmamana kay Papa. Kung gaano kabehave si Papa sa babae, ganon naman to katinde humatak.
"Thats my boy!"
Npalingon ako sa boses na pinanggalingan ng sumali sa usapan naming magkapatid.
Its Vios.
Nakapasok na pala sya.
"Goodmorning Bubbie"-bati nya sa akin at humalik sa pisngi ko.
Kingina, biglaan na naman oh.
Pagkatapos ay lumuhod sya sa harap ni Wren para magpantay sila. Hinawakan nya ang balikat ng kapatid ko pero tinanggal din agad nito.
"Dont touch me! Im not a girl!"-giit nito.
"HAHAHAHAHHA"
Napahagalpak kami ng tawa ni Vios dahil sa reaksiyon nya.
"Kita mo na, may pagmamanahan talaga ang kapatid mo."-sumbat nya sa akin. "Ikaw naman, hindi porque hinahawakan ka ay tinuturing kang babae. Wag kang maarte."
"Whatever."-nagmake face lang sya.
"Sige na Wren, uuna na kami. Kitakits mamaya."-paalam ni Vios.
YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
