CHAPTER 14: Why do u Care?

108 8 0
                                        

                   Chapter 14

Raine's POV

"Raine anong balak mo? Papasok ka na ba bukas?"-tanong ni Papa.

Kita ko naman ang pag-irap sakin ni Mrs. Marquez, wala ngayon ang ama ni Papa, sya ang nasa kumpanya. Pero mas hinihiling ko na sana ito na lang nanay nya ang wala ngayon dito.

"Opo Pa,sana, kung may magbabantay kay Mama. Pero kung wala naman po, okay lang na umabsent muna ako."-tugon ko.

"No. Ako na bahala sa kanya, pumasok ka na. Since, nung thursday and friday e absent ka na."

"Sge po---"

"Aba pambihira ka naman Raine! Kita mong nakaratay ang Mama mong malubha dyan, magagawa mo pang pumasok?"

Papa hissed. "Mom, hindi naman malubha si Tanya. At sabi ng mga doctor she'll recover."-he paused. "She'll recover soon."-he added.

Sana nga. Sana nga Ma.

"Pede ba wag na nating lokohin pa ang sarili natin? Actually inaaksaya natin ang pera natin dyan e."

Hindi ko na napigilan na makisali sa usapan. Bastos man pero wala nakong magagawa, sumusubra na sya.

"Mawalang galang na ho ano. Pasensya na ho kung dahil sa mama ko e nababawasan ang pera nyo. Wag ho kayong mag-alala. Ako na ho bahala, hndi na ho kami hihingi."-seryoso kong saad.

Inirapan nya ako. Pero bago pa sya makapagsalita ay naunahan sya ni Papa.

"Ma ano ba? Tanya is my wife, baka nakakalimutan nyo."-yun lang ang tangi nyang nasabi rito. Hndi ko din alam kung bakit ang hina ng loob nyang sagutin ang mama nya. Hindi naman kagagalang-galang ang babaeng yan, sorry for the word.

"Hndi porket asawa mo yan ay aabusuhin na nyan ang yaman natin. Ubusin nya ang pera nya bago nya pakinabangan ang sa atin."

Sobrang sakit ng bawat salitang binibitawan nya. Walang puso ang babaeng to.

"Pero Ma---"-I cut his words.

"May pera kami ni Mama. Hndi naman po sa pagmamayabang pero kayang-kayang tapatan ng pera nina lola at lolo ang pera nyo."-Im talking about my Mom's parents. "Kaya wag ho kayong umakto na parang kayo lang ang kayang bumuhay samin."-sambit ko.

"Narinig mo yun Nate? Narinig mo kung gano kalapastangan yang anak-anakan mo ha?! Walang galang!"-singhal nya sa akin.

"Dahil ho pinipilit nyo ako."

"Hndi nakakapagtaka. Napakaswerte ng tatay mo at iniwan nya kayo. Hndi nya mararanasan na mag-alaga ng may sakit. Hindi nya mraranasan na sumupil ng isang lapastangang anak, hindi nya---"

I stand up and my hand balled into fist. She's getting into my nerves. Damn.

"Tama na ho. Wala ho kayong karapatang husgahan ako at ang Mama ko. Alam din naman natin na hndi kami iniwan ng tunay kong ama. Kya kung maaari lang ho, tama na. Hangga't may natitira pa akong katiting na respeto sa inyo."-pagkasabi ko nun ay umupo agad ako habol ang aking hininga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ba sya ganyan? Pinipilit nya akong magalit.

"Raine calm down."-paglapit sa akin ni Papa at hinaplos ang buhok ko.

"I cant believe you will defend that bastard over me!"-galit na wika ng ginang. "How dare you Nate?"

Napailing si Papa. Para bang nahihirapan syang idepensa ako. Parang gusto nya ring panigan ang mama nya. Sabagay ano bang laban namin ko? Hindi nya naman ako tunay na anak? Tsk.

"Ma hndi sa ganon."-napakahinahon nyang magsalita, ni hindi nya magawang magalit sa nanay nyang sakim. "Ayoko lang na lumaki yung gulo. May sakit si Tanya, at hndi dapat ganyan ang nakikita o naririnig nya."

It Just HappenedWhere stories live. Discover now