CHAPTER 34: Weird

100 9 0
                                        

                 Chapter 34

RAINE's POV

     Kasalukuyan kaming nagrereview sa batibot. Obviously kasama ko yung dalawa. Lagi naman.

"125 cm woohhooh roof is equals to 60 dm lalalalaa~~"

"Itigil mo nga yang pagkanta mo!"

Nagtatalo na naman yung dalawa. Dahil habang nagsasaulo si Aya, nilalapatan nya ng tono. Kya yung isa, nahihirapang magfocus.

"Ano bang problema mong bakla ka?!"

"Yang ka-kakanta po, para kang sira dyan, baliw!"

"I prefer to be crazy and happy than normal ang bitter."-pageenglish ni Aya na ikinagulat ko.

Wow straight yun ah. Not just one word, not just two. Improving hahahaha.

"English english, yabang-yabang"-Bing

"Bitter ka kase di ka maalam kumanta! ganda kaya ng boses ko."

"Whatever"

At nagpatuloy uli sila sa pagrereview. Pero maya-maya ulit.

"Aya lower your voice!"


"Ikaw nga dyan, wag ka sumigaw."

"Ang ingay mo kaya."

"Nagrereview ako eh."

"Basahin mo with your eyes. Mas madali mong maiintindihan, at hndi ka pa makakaabala ng iba."-asik ni Bing at lumayo sa kanya.

Nagpatuloy sila sa pagrereview habang ako naman ay tahimik lang na nagmamasid sa kanila.

"Raine di ka ba magrereview?"-tanong ni Aya at umiling naman ako. "Wow talino."-papuri nya.

"Kung papasa ako gamit ang mga natutunan ko edi papasa ako. Kung bagsak naman, ibigsabhin hndi sapat ang natutunan ko. Bawi nalang sa sunod."

"Woaaahh"

"Ikaw Aya wag kang gagaya dyan. Matalino yan."-giit ni Bing..

Napanguso naman si Aya sa sinabi nito. "Alam ko, ano ba kaseng utak ang meron kayo? Pashare-it naman, kailangan lang."-malungkot nyang biro.

Itong babaeng to kahit kelan walang bilib sa sarili nya. Matalino naman sya, hndi lang sya nag-aayos. Kumbaga may maluwag lang na pako sa utak nya konting pukpok lang ayos na. Pero pag hindi napukpok, ay tiyak luluwag yon. Delikado, mapupuno ng hangin. Hahahaha.

"Wala akong hotspot sorry!"

"Madamot ka lang talaga Bing!"

"Magdownload ka na lang beh"

"Tinatamad ako"-nguso nya.

Mukang nakukuha nya ung logic na pinupunto ni Bing.

"Delete mo yan. Restart."-singit ko.

"Ano?"-tanong nya na mukang lalong naguluhan.

"Wala. Mag-aral na lang kayo."-sambit ko at tumayo na. "Alis muna ako."

Tumango lang sila at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi ko din alam kung saan ako pupunta. Feel ko kaseng pumunta kay Van, I want to talk to him. Nkausap ko na si Vios. Sya naman.

Nang makarating ako sa room nila, nalaman kong hndi pala sya pumasok. Pangatlong araw na syang absent. Apparently, mula nung mag-away sila ni Vios.

Pumunta ako sa locker ko at naisipang itago muna dito ung bag ko. Mmaya pa naman yung exam namin. Tutulog muna ako sa library.

Pero pagbukas ko may nakita ako note sa gilid.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now