CHAPTER 8: Annoying

124 10 1
                                        

                   Chapter 8

Raine's POV

    Pagkatapos kong hanapin sa library ang naiwan kong drafts ay lumabas na din kaagad ako. Nasa labas ng room namin sina Bing at Aya, at sabi nila ay hihintayin nila ako don bago kami pumunta ng canteen.

Anong kaartehan naman un diba? Kelangan talaga sabay-sabay? Hmn, baka naman andun na yung mga yun? Baka sakali no, antagal ko din kaya sa may library. Pero di bale, daanan ko muna sila sa room.

Binagtas ko ang daan pabalik sa room. Wala akong natanawan na Bing at Aya sa labas, lumapit pa ko at sumilip. Wala din sila sa loob. Tsk.

Umalis ako at nagtungo sa canteen, nakita ko na sila sa di kalayuan. Nasa table sila ng D'Sarmientos. Sabi na e.

Maglalakad pa lang sana ako patungo dun ay may humarang naman kaagad sa daan ko. Myssa, as usual. Napatingin ako kay Van, nakatingin sya sakin at medyo umaangat na sa upuan. Pupuntahan nya sguro ako. Umiling ako sa kanya tanda na wag nya na akong puntahan pa. Yakang-yaka ko ang Myssa na to.

"Hey girl!"-bati nya.

"Absent yung mga asungot mo?"-sa halip ay tinanong ko sya.

Inirapan nya ako at nagflip hair. Hndi kaya sya nahihiya ng lagay na yan?

"Kita mo ba? Diba wala? Edi hndi ko kasama! duh!"

"Duh ka rin, tinatanong ko kung absent sila kung anu-anong sinasabe mo. Tabi nga"-saad ko at dumaan sa gilid nya. Pero ng magkatapatan kami e ay bumulong sya.

"Pasalamat ka nandito ang ANIM na yan. Wala ka tuloy eksena."-wika nya.

Ngumiti-ngiti pa sya sa ilang mga estudyanteng nakatingin samin. Napailing na lang ako at tuluyan syang nilagpasan.

Pagkarating ko sa table ay umupo ako agad sa upuan, sa pagitan ni Van at Klyde. Tahimik silang lahat at parang nangangapa ng sasabihin.

"Jusko ka teh! tuwid na ang bulbol ko don kanina ang tagal mo namang dumating. Kaya dumiretso na kami dito!"-palatak ni Bing ng pagkakalakas-lakas.

Kita ko ang panlalaki ng mata ni Aya.

"Halaaa"-Aya

Pati ang mga lalaki ay pawang nagulat din. Ang lakas lakas pa man din  ng boses nya.

"Pftttt Bing talaga oh, nasa public tayo"-sambit ni Joaquin na pinipigilan ang pagtawa.

"E ano ngayon? Simbolismo yun! kung hndi nila alam. Problema na nila yun!"-depensa nya sa sarili na tila inosente pa rin sa kabila ng sinabi.

Napayuko ako dahil sa kahihiyan na rin para sa kanya. Dale ng dale kase. Kaming lahat ay natahimik pagkatapos nun. Walang sinuman ang nagsalita. Lahat ay ibinalik ang atensyon sa pagkain, maliban na lang kay Van at Vios na nakatingin sakin. Problema ng mga to?

"Kumain ka na"-Van
"Muntik ka na namang manggulo"-Vios

Napatingin kaming lahat sa magkapatid ng sabay na nagsalita. I looked at Vios in disbelief. Is he talking about what happened a while ago? Me and Myssa? Talaga ba? Ako ba ang nanggulo?

"Vios, stop. We all know na si Myssa ang nanguna."-pagtatanggol sakin ni Van. Inabot nya sa akin ang juice sa harap nya.

"Oo nga Vios. Myssa is so childish."-dagdag ni Kenn sabay subo.

"Pero pinapatulan nya."-ayaw padaig ni gunggong.

"Hndi naman ganon, Raine ano bang sinabi sayo ni Myssa?"-tanong ni Bing.

I didn't respond. Silang lahat ay nagaabang ng sagot sa akin.

"Wag mo kasing pinapalaki ung mga bagay na ganon Raine. Malaki ka na."

It Just HappenedWhere stories live. Discover now