CHAPTER 54: Missing Someone

88 5 0
                                    

                   Chapter 54

Raine's POV

Katatapos ko lang kumain at dinalhan rin ako ni Mama ng gamot dito sa kwarto. Kabababa lang nya.

Mula nung isang araw na naulanan ako, nagkasakit rin ako. Gustong-gusto ko ng pumasom dahil wala akong magawa rito sa bahay pero ayaw talaga nina Papa. Bukas na raw at baka mabinat pa ako.

Hindi maipagkakailang naaalala ko pa rin sya. Lalo na sa mga oras na wala akong ginagawa. Tulad na lang ngayon, nakaupo lang ako sa gilid ng bintana ng kwarto ko. Nagpapaantok ako.

"Raine."-sabay na banggit mula sa dalawang boses na hndi ko inaasahang makikita ko ngayon.

"Why are you here?"

Bing glared, as usual. "Teh? Hindi ka naman nakakasakit no, namiss ka na namin e"-pangongonsensya nya habang nanghahaba na naman ang nguso.

Binaling ko ang tingin ko kay Aya. Nakatitig lang sya sa akin at nakangiti ng bahagya.

Pero bigla syang umiyak.

"Huhuhuhuh"

"Hoy beh anong nangyayari sayo?"-tanong ni Bing na kahit paano ay concern rin naman pala. Lumapit sya rito at hinaplos ang likod ni Aya. "Ayapot na bayot hoy!"

"Heh!"-hinampas nya ang bakla. "Can't you see? Im crying, duh."asik nito na hindi matigil sa pagiyak at panay ang pahid nya ng luha.

Hindi na rin ako nakatiis, tumayo ako at nilapitan silang dalawa.

"Umiiyak na nga, paamboy ka pa."-singhal ko kay Bing at tinabig sya.

"Ay ang bad sakin?"

"Aya? ano bang nangyayari sayo?"-tanong ko at hinawakan ang noo, at pisngi nya at sinalat-salat ito. "Di ka naman mainit."

"Huhuhu *hik"-mas lalong lumakas ang iyak nya at sinisinok na din sya. Bigla nya akong niyakap. "Raine.. *hik *hik"

I hugged her and caressed her back. "Shh. What happened?"-pinandilatan ko si Bing, pero umiling lang sya at muka namang wala tlaga syang alam. "Aya? What's the matter? Tell me."

Kumalas sya sa yakap at pinahid ang luha nya.

"Yuck! Uhog mo naguunahan oh! kadiri to, maganda nga madungis naman, wala rin!"-pang-aasar ni Bing at umupo sa kama ko.

Wala talagang pakisama ang isang to. Umiiyak na nga nagagawa nya pang asarin. Tsk tsk.

"Bing tumigil ka na ah."

"Totoo naman Raine. See? Oh ang lapot oh, ew!"-patuloy nya.

"Isa na lang talaga, baka di kita matantya."-banta ko at hndi naman sya umimik. "Now tell me. Bat ka umiyak?"-baling ko kay Aya na sisinok-sinok.
Iginiya ko sya paupo rin sa kama ko.

"Eh kase nung nakita kita!"

Huh? Anong nakakaiyak naman don?

"Nung nakita kita, nasaktan ako bigla."-dagdag nya. Napaseryoso ako. Natouch ako sa sinabi nya. Pati si Bing ay seryoso na ring nakinig sa amin. "Pagpasok ko pa lang ng kwarto mo, tas nakita kitang ganon.."-she stopped and began to cry again. "Yung ganon.. Malayo yung tingin, parang wala sa sarili. kase Raine parang bigla ko ring naramdaman yung sakit.. huhuhu..."-mas lalong lumakas ang hagulgol nya.

Ganon ba talaga? Akala ko hndi ako transparent na tao. Hindi madaling hulaan kung kailan ako, masaya, malungkot, galit o ano man. 

"Tss. Sino namang may sabi na nasasaktan ako?"-tanong ko at lumayo sa kanila. Bumalik ako sa pwesto ko kanina. "Hindi no."

It Just HappenedWhere stories live. Discover now