CHAPTER 11: Pity

112 9 0
                                    

                  Chapter 11

Raine's POV

"Pa, alis na ko. Kayo muna bahala kay Mama."-paalam ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

He nodded and smiled. "Sure thing, baby. Ingat."-sagot naman nya.

Muli kong sinulyapan si Mama na mahimbing na natutulog sa kama. Kapapasok nya lang ulit dito sa ospital kahapon. Seeing her these peaceful makes me calm. Sana ganito na lang sya lagi. At sana makalabas na din sya kaagad.

"Napakaswerte namin sayo ng Mama mo Raine."

Parang piniga ang puso ko sa sinabi nya. Sa lahat ng pnagdadaanan ko sila na lang ang pinanghugugutan ko ng lakas. Ang mga taong sandigan ko sa laban ng buhay. Kahit na ang hirap na makibagay, kahit ang lungkot ng mga pinagdadaanan namin. As much as we're together, wala nakong mahihiling pa.

"Mas swerte ako sa kanya."-I paused. "At pati na rin sayo Pa. Sige na pi at bago pa tayo magkaiyakan dito papasok na ako."-paalam ko.

"Hahahaha sge, ingat."-ginulo nya ang buhok ko at naglakad nako palabas ng ospital.

Hndi na ako nagabala pang magpahatid sa driver namin. Nagcommute na lang ako at mabuti naman at hndi ganon kabagal ang trapiko.

Pagkatapos ng first period namin ay vacant na.

"Mga bes! tara sa gym. Nood tayo ng mga nagbabasketball."-anyaya ni Bing. Tiningnan nya kaming dalawa ni Aya.

"Game ako dyan!"

"Ikaw beh? Tara na bilis! malay mo andun si Fafa Van mo!"-pilit nya sa akin.

Umiling lang ako. Wala ako sa mood lumabas ng room. Isa pa ang init-init kaya.

"Beh ang kj mo talaga kahit kelan. bilis na oh please?"

"Oo nga naman Raine, wala rin naman tayong gagawin dito. Tingnan mo nga oh, konti na lang tayo naglabasan na yung iba."-patungkol ni Aya sa aming mga kaklase. Tama nman sya, konti na lang kaming naiwan. Nagsilabasan na sila.

"Gurl! ano na?"-Bing exclaimed.

"Ayoko nga. Kayo na lang. Bat nyo pa ba ko isasama?"

Inirapan naman ako ni Bing na parang may mali sa sinabi ko. Kung makapagsalita ka girl prang hndi mo kami kaibigan ah, sympre gusto ko namin kasama. Tsk impakta ka talaga!"-singhap nya at hinawi ang buhok nya.

I glared. "Kayo na nga lang. Basta ayoko."

"Beshh naman eee.."-pagmamaktol ni Aya habang inihahaba ang kanyang nguso.

"Yuck Aya! sabitan ko ng kaldero yang nguso mo e. Kala mo naman ikinaganda mo yan?"

"Hoy oo kaya! Lagi naman akong maganda."

"Aba haha, sino namang nagsabi ng fake news na yan sayo?"

"Hoy bakla! nasa dugo at nananalaytay ang lahi namin. Magaganda kami sadya!"-ayaw patalong sagot ni Aya.

"Eh yun lang, nasa dugo lang. Hndi napunta sa muka. Hanggang dugo lang hahahahahaha"-asar ni Bing at bumulalas ng tawa.

Hinampas naman sya ni Aya na ngayon ay tumatawa na din. "Hhaha siraulo ka! hiyang-hiya ako sayo. Maganda pa nga sayo ang tigyawat ko."

"Hoy Aya nakakaloka ka. Yang fezlak mo naman mas makapal pa sa kalyo ko! Dyan ka na nga!"-sigaw ni Bing at nagwalkout.

Ay iba ang drama ni Bakla. May pawalk-out . HAHAHAHAA.

"Hala pikon pftt."

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Mga sira. Hindi ko alam kung pano ko nagagawang tagalan na pakisamahan tong mga abnoy na to hays. Ang lalakas ng amats.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now