CHAPTER 15: United

111 8 0
                                    

                   Chapter 15

Vios' POV

Tumayo ako bigla at tumanaw sa bintana ng room namin. Malapit dito ung daan patungo sa canteen kaya kitang-kita namin yung mga estudyanteng nagpupuntahan roon.

Walang klase at hndi ako mapakali mula noong makita ko si Raine kanina.

"Par anong kaartehan yan?"-tanong sakin ng kaklase kong lalaki.

"What do you mean?"-I asked.

"Kanina ka pa dyan pabalik-balik. Hndi ka mapakali."

"May hinihintay lang."-sagot ko at sumilip muli sa bintana.

Npagpasyahan kong bumaba na ng building namin. Saan naman ako pupunta nito? Kina Kuya? Iisa-isahin ko sila? E pano kung may klase sila. Psh, iisipin naman ng mga yun ang immature ko para mamiss ko sila kaagad. Yuck. -_-

Pabalik na sana ako ng room namin ng biglang makasalubong ko si Klyde.

"Ey? Walang klase?"-tanong nya sakin.

I nodded. "Mm. Naboboring ako sa room namin, ikaw?"

Sinipat nya muna ang relo nya bago sya sumagot. "Within 23 minutes it'll start. Napadaan kase ako kina Van, eh andami nilang ginagawa pinadalhan nya ng snack si Raine, baka raw hindi na sya makababa mmaya."

Napakunot ang noo ko.

"Kelangan talaga may pa-meryenda? Tss. Di na sila highschool."-kontra ko naman.

He smirked. "Matagal na yung ginagawa ni Van, nakasanayan nya na. Besides, we found it cute. Kay Raine lang sya naging ganon kahands-on."-paliwanag nya.

Naiirita ako. Sguro kase naririnig ko na naman ang pangalan ni Raine. Hayst.

"Ok, I gotta go."

Paalam ko dahil wari ko'y nawala na ako sa mood.

"Wait, stop."

Napahinto ako muli syang hinarap.

"Vios, hndi ko alam kung sasabhin ko to sayo pero, yung mga pambubully mo kay Raine. Hindi sya nagu--"

"Cut"-pagpigil ko sa kanya. "Wala akong pake kung hndi nyo man sya nagugustuhan. Or kung hndi man nagugustuhan ng kuya ko ang ginagawa ko. Im enjoying it."-sambit ko at nagpilit ng ngiti.

Pinanliitan nya ako ng mata. "Stop doing immature stuffs Vios, hindi na bagay sayo.".

Ano bang problema nila sakin?

"Klyde, wala ako sa mood, sorry. Akyat nako."

Pero bago pa ako makatalikod ay nagsalita na sya kaagad.

"Van likes Raine, so much. At nasasaktan sya kapag sinasaktan mo si Raine."-pagkasabi nya nun ay umalis na sya kaagad.

Naiwan akong nakatayo at inaabsorb ang mga sinabi nya. Ha!? Kuya love that girl so much? I dont think so. Nagawa nya ngang makipaghalikan kay Shaina e. Hindi pa sila ni Raine ha, take note hndi pa sila. Tapos nagagawa nya ng magcheat kay Raine. What kind of a man he is?

But that doesn't mean na concern ako kay Raine, im just... Just stating the fact. Well bahala sila sa mga buhay nila.

Habang ako ay naglalakad pabalik sa room namin. Nakita ko si Raine na papunta sa library ng tertiary. Ano na namang gagawin ng babaeng to.?

Namalayan ko na lang na naglalakad na rin patungo doon ang mga paa ko.

Pumasok ako ng library ng  wala sa sarili. Wala naman akong babasahing books or else pero bakit ko pa sya sinundan? Tss, stupid Vios!

It Just HappenedWhere stories live. Discover now