Chapter 43
Raine's POV
Naging masaya ang maghapon. Pagkarating namin sa Oslob, Cebu. Isang hotel ang pinagdausan namin ng anniversary party. Bago magkasiyahan ay nagkaroon muna ng mass ceremony. 20th anniversary kase ito nina Mama at Papa.
Ngayon nga alas-diyes na ng gabi, andito kami sa dalampasigan. Dito sa Cancuay Beach. Ito ang napili naming beach dahil ang unique lang ng dating.
Imbis na hotel ang tutulugan, mga kubo ang pagpapalipasan namin ng gabi. Sounds interesting, first time ko lang ma-eexperience to.
Sayang nga lang at tulog na si Wren, masyado atang napagod sa maghapon. Heto tuloy wala akong mapagtripan.
Nababagot akong tumitig sa bonfire na pinalilibutan namin. Ako, si Aya, si Bing at yung LIMA, remember wala si Van kaya kulang ng isa.
"Sweetiepie tulog na tayo!"-angal ni Aya na nakasubsob na sa balikat ni Jeilo, lasing na sya sapagkat nagkaroon kami ng inuman kanina pagkatapos maghapunan.
"Sge, tara na. Get up sweetiepie, c'mon."-alo ni Jei sa nobya nyang antok na antok na. Nang maitayo nya ito ay sumenyas sya sa amin. "Una na kami ha, goodnight."
"Sge pre"
"Goodnight"
"Pre kwento mo nalang samin bukas."-pangaasar ni Kenn.
If you know what he mean.
Paano naman kase, magkasama sa isang kubo yong dalawa. At ang nakakainis pa, kami rin ni Vios, magkasama. Pagka-angal ko ng malaman ko yon, sina Mama at Papa ang unang sumalungat sa akin. Kesyo may tiwala raw sya kay Vios, at nakapagusap na daw sila tungkol sa bagay na yon.
Kamusta naman diba? Kundi ka naman talaga nabwisit, ewan ko na lang.
"Siraulo! Nasa huwisyo pa ako!"-depensa ni Jeilo.
"Hhahaha sabi mo yan ah."
"Nninigurado lang."-pakli ni Kenn. At ng makaalis ang dalawa ay bumaling sya sa amin. "Kayo ba? Antok na din ako e. Aga kong gumising."-wika nya sabay hikab.
Obvious nga.
"Antok na din."-sang-ayon ni Joaquin sabay inat ng kamay at pinalanding ito kay Bing, kaya ang ending, naka-akbay sya.
At sympre hndi papahuli ang bakla, kahit na lasing at antok na antok na nakuha pa ding umirit.
"Eehhh Baby naman e, tulog na tayo?"-malambing nyang tanong.
Tumango ito. "Tara na guys!"-anyaya ni Joaquin at nauna silang tumayo ni Bing.
"Baby magsolo na lang kase tayo ng kubo, andami natin masydo kung sasama tayo kina Klyde."-pagiinarte ng bakla.
"Oo nga bro hahaha, solohin mo si Bing!"-panukala ni Klyde habang may malawak na ngiti.
"Bing sa kubo ka na lang namin sumama."-pagsali ko sa kanilang usapan.
"Bubbie!"-pag-angal ng katabi ko. Tss, sabi ko na nga ba.
"Raine, hndi pede. Magulang mo na mismo nagsabi eh."-wika ni Kenn. "Tara na nga. Anlamig lamig dito potek."
"hahaha oo nga tara na."
Nagtayuan na kaming lahat at nagpagpag. Nakalayo na din ng paglalakad sina Bing at Joaquin. Nakasunod naman agad sa kanila si Kenn na patagi-tagilid na kung maglakad.
"Oh kayong dalawa. May bait na kayo ha."
"Tss."
Ano ba namang klaseng ideya ang nasa isip nitong si Klyde.
YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
