CHAPTER 50: Space

83 7 0
                                    

                   Chapter 50

Vios' POV

      Mula nung araw na nagising ako sa ospital palagi kong iniintay si Raine na bumalik. Dahil naniniwala ako na mali si Mama, na may pakialam sya sa akin.

Pero nagkamali ako. Hndi nga sya pumunta. 3 days ako sa ospital pero hndi ko nakita miski anino nya. Pero hndi ako galit sa kanya, kase nagtext naman sya sakin nung isang araw. Ito ung laman ng text nya.

Fr: Bubbie

     Hoy. Pagaling ka lang dyan. Sensya di na ko makakadalaw ah, busy e. Usap na lang tayo pagpasok mo.

Kahit na hndi nya ako nadalaw solve na ko isang text nyang yon, ramdam na ramdam ko kase ung concern nya sa akin.

Isa pa, Lunes na ngayon. Naghahanda na ako sa pagpasok ko.

Pagkatapos ng aking mga gawain. Pinahatid ako ni Daddy, ayaw pa nila akong pagdrive-in. Okay na din, kase medyo masakit pa ang mga braso at hita ko.

Pagkarating ko sa school ay sinalubong ako ng ilang mga estudyante, sa una ay iilan. Tpos padami ng padami.

"Vios okay ka na ba?"

"Vios saan ang masakit?"

Samu't saring tanong ang narinig ko sa kanila pero hndi ko na lang sila pinansin pa. Nagpatuloy ako sa pagalalakad. Kahit na gaano pa sila kagulo, humahawi naman sila kapag dumaraan na ako sa harap nila.

Nasa kalagitnaan pala ako ng highway ng marinig ko ang chant matagal ko ng hndi naririnig.

"Owemji!"

"Andyan ung LIMA! Nauna lang si Vios?"

"Sana okay na sila! yeahhh!"

Lumingon ako sa aking likuran at tama nga sila. Andun silang Lima. Nangunguna si Joaquin at Kuya sa paglalakad. Sumunod si Jeilo at Kenn, tapos nasa pinakalikod si Klyde. Halatang hndi pa maayos ang lahat.

"D'Sarmientos! Ahuuu! Yah yah yah yah! Double V! Double K! Double J! Ang anim! Double V! Double K! Double J!"

Mas lumakas ang kantahan rito sa hallway dahil mas dumarami ang tao.

Nanatili lang akong nakatayo sa kinaroroonan ko nang biglang tumigil sa harap ko ang LIMA.

Naalala ko na kahit nasa iisang bahay kami ni Kuya hndi nya man lang ako kinausap o kinamusta. Palagi rin syang umaalis ng bahay. Galit talaga sya.

Tumingin sakin si Kuya mula ulo hanggang paa. He stared and then chuckled. Tss. Feeling cool, huh?

Nilagpasan nya ako ng wala miski isang salitang binibitawan. Lahat ay tahimik at nakatingin lang sa amin..

"Bro! Kamusta na? We miss you!"-bulalas ni Joaquin sabay batok sa akin.

Tarantado.

"Aray!"-asik ko sabay sapo rito. Hinimas ko din ng bahagya ang balikat ko.

"Oh chill di ko sinasadya."

"Hayop ka Joaqs. May tahi pa yung tao oh!"-sumbat ni Jeilo

"Di na yan makakalas. Trust me, matatag na sinulid ang ginamit dyan."-depensa nya.

And this time ako naman ang bumatok sa kanya ng mas malakas.

"Qaqo ka talaga! ikaw kaya saksakin ko!"-singhal ko sa kanya na pangisi-ngisi lang.

"Sayang talaga at hndi ako nakasali don. Sigurado akong uuwing bali-bali ang mga yon."-pagmamalaki ni Kenn sabay kindat sa mga estudyante sa paligid.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now