Chapter 56
Aya's POV
"Sweetiepie come here, closer."-utos ni Jeilo at sinunod ko naman. Nang malapit na ko sa kanya ay inakbayan nya ako.
Lahat ay nakatingin sa amin. Nandito kase kami sa canteen. Dito na lang kase kami nagkikita. Lalo na si Raine at Vios, madalas ay hndi na talaga sila nagpapansinan.
Pero, alam nyo yung may spark? Sila yun eh. Minsan si Vios yung nakatingin kay Raine, minsan si Raine naman napapagawi rin ang tingin ka Vios.
At narealize kong bagay na bagay pala sila. Ang cute.
Pero ito na nga, nai-stress ako dahil nandito yung Shane. Nakakainis.
Kaya ang ending ang nandito sa canteen. Ako, si Raine, si Jeilo, si Vios, si Klyde at si Shane. Wala ang baklang Bing dahil nasa Sci Department sya.
"Sweetiepie."-tawag ko kay Jeilo. Pabulong lang ang pagkakatawag ko para hndi marinig ng iba.
Sabagay abala naman ang lahat. Si Raine kumakain, pati si Klyde. Kami naman ni Jeilo tapos na. Samantalang sina Vios at Shane naman ay nagkukwentuhan na lang.
"Seryoso ba talaga yang kaibigan mo sa babaeng yan? Pano si Raine ha?"
"Hindi ko nga rin alam sa lalaking yan. Pinagsasabihan naman namin sya, kaso hndi sya nakikinig."
"Tsk tsk. Maganda naman sya pero mas maganda ako."
Tumawa si Jeilo ng bahagya at ginulo ang buhok ko. "Ikaw talaga. Syempre naman no. Pero matalino yan, naging class valedictorian yan ng batch nila."-salaysay nya.
Ngee. And so? Matalino rin naman ako,. Hayst.
"Matalino talaga?"-paninigurado ko.
"Mm."
"Eh matalino rin naman si Raine"-tugon ko at mas lalo syang tumawa.
Pero mabuti nalang at sanay na sila samin, at hndi nila pinapansin ang paglalandian namin dito.
"Pati naman ikaw sweetiepie, matalino ka rin."
"T-talaga?"
"Opo. Slight."-sagot nya at napanguso ako. "De biro lang. Pero Aya may pick up line ako sayo."
Naeexcite ang puso ko, at kinikilig na kaagad kahit wala pa naman syang sinasabi. Abnormal. Pfft. Pano ba naman kase ang pogi ng isang to oh.
"Huy!"
"Ano yon?"-sagot ko dahil napatulala na naman ako.
"Alam mo bang hndi lahat ng buhay ay buhay?"-tanong nya.
"Ha? pick-up line ba yan?"
Naguguluhan ako sa tanong nya. Doble doble. Nu kaya yon?
"Oo, maki-bakit ka na lang."-nakukulitan nyang tugon sa akin.
"Oh bakit?"
"Tulad ko buhay, pero patay na patay sayo."-pagbanat nya sabay halik sa noo ko.
Itinulak ko sya palayo at hindi ko napigilan ang kilig kong naguumapaw.
"Eiish nemen! pere keng tenge."
"HAHAHAH iloveyou."
"Iloveyoutoo."-I answered.
"HOY!"-sigaw ni Klyde na nakapagpatigalgal sa akin mula sa pagmomoment ko.
Sinamaan ko sya ng tingin. "Epal."
"Epal na kung epal. Nakakainis kayong dalawa alam nyo yun? Magbigay galang naman kayo saming mga single."-palatak nya sabay inom ng tubig.
Whatever.
YOU ARE READING
It Just Happened
JugendliteraturPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
