Chapter 57
Vios' POV
Pauwi na ako sa bahay pero sumabay pa sa akin si Joaquin at si Klyde. Kaya ang ending ihahatid ko pa sila bago ako tuluyang makauwi samin. Tss.
"Bagalan mo yang pagpapatakbo mo. May paguusapan tayo."-asik ni Joaquin na nasa backseat.
Tiningnan ko sya sa salamin. "Anong namang sasabihin mo?"
"Ako rin may sasabhin kaya wag mong bilisan ang pagmamaneho."-Klyde.
"Ano ba kaseng sasabhin nyo?"-
"Ano ba kayo ni Shane?"-sabay nilang tanong at agad akong napapreno..
Ano kami? Bakit ano nga ba?
"Wala na kayo don."-sagot ko at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Tsk kayo ha, pineste nyo ko para lang pagusapan yan."-singhal ko sa kanila.
Sino ba namang hindi maiirita? Wala akong panahong makipag-usap ngayon.
"Anong wala na kami don? Bro ano ba? Pano si Raine?"-tanong ni Joaqs at napalunok ako ng sunod-sunod.
"Anong pano sya?"-maang-maangan kong tanong.
At agad nya akong kinaltukan. Siraulo amp.
"Nakakalimutan mo atang andito ka sa loob ng kotse ko. Sakit ha, qaqo!"
"Eh ayaw mong umayos! Para kang hind lalaki!"
"Kya nga. Ang bakla-bakla mo no. Eh kitang-kita naman na sya pa rin."-sang-ayon ni Joaquin.
Sya pa rin.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko yung sinabi ko sa kanya kanina. Hindi ko akalain na masasabi ko yun sa kanya. Totoo yon. Miss ko na sya. Pero araw-araw kong pinipigilan ang sarili ko. I fight back the urge because I knew this was what she wants.
*sighs*
"Kung ako sayo, lalakasan ko ang loob ko. Aayusin ko!"-saad ni Klyde.
Ano pang aayusin ko? Hindi ba't gusto nya ito noong una pa lang.
"Vios mahal ka din ni Raine. Nakikita namin yon."
*lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub*
Ang sarap pakinggan. Fvck. Sana totoo. Pero hndi ko alam kung nabubulag lang ako ng sakit o ano. Naalala ko nung sinabi samin ni Aya yon. I was looking at her. Umaasang mula sa kanya ay makokompirma ko kung totoo ba yon. Pero hindi ko pa rin maintindihan. Hindi ko sya mabasa.
"Vios. Wag mo ng paasahin si Shane. Mas lalong wag mong paasahin ang Mama mo."-wika ni Klyde.
Ito ang gusto ni Mama. Naalala ko nung sinabi ko sa kanyang susundin ko na ang utos nyang pakasalan si Shane. She shed a tears. Napakasaya nya.
"Pagpaliwanagin mo sya. At magpaliwanag ka rin kay Raine."
"Pero--"
"Let me finish first. Vios if you focus on the hurt, you will continue to suffer. But if you focus on the lesson, you'll continue to grow."-Joaquin added. "Alam mo ba ang lesson mo?"
Umiling ako.
"Nagtanong kapa. Bobo yan eh!"-asik ni Klyde kaya naman binatukan ko sya. Sabihan ba naman ako ng bobo. "Aray! Hoy matuto kang gumalang sa mas matanda sayo, at mas cute!"
"Aso!"-singhal ko sa kanya at nagmake-face sya.
"Itigil nyo yan. Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo."-seryosong pahayag ni Joaquin. Talagang napapangatawan nya yung pagiging pinakamatanda nya sa amin. Sya ang Kuya ng lahat. Kahit na manyakis yan, may sense yan. "Vios. Yung lesson mo sa tingin ko. Yung narealize mo sa sarili mo na kahit anong pilit mong magalit, namimiss mo pa din. Anong pilit mo mang kalimutan, naiisip mo pa din. Dahil sa gulong pinalaki mo, malaki rin ang panghihinayang mo. Wag kang magtanga-tangahan. Ayusin mo habang hindi pa huli ang lahat."-litanya nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/179932456-288-k857191.jpg)
YOU ARE READING
It Just Happened
Fiksi RemajaPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...