Chapter 49
Raine's POV
"Sinabi ko naman sayo na wag mo na akong ihatid."-sumbat ko kay Vios na kabababa lang sa driver's seat.
Pano ba naman kase hinatid nya ako, tapos abot-abot lang rin naman ang tawag sa kanya ng Mama nya.
Alam kong noon pa lang nung pinakilala ako ni Van sa nga magulang nya ayaw na nito sa akin. Lalo na siguro ngayon na karelasyon ko ang anak nya.
"Tsk. At sino namang gusto mong maghatid sayo? Si Kuya?"-naiirita nyang tanong at ibinato sakin ang bag ko. "Oh."
Tingnan mo to, siya ang nagoopen up ng ganong topic, tapos sya ang maiinis. May sayad talaga ang isang to.
"Alam mo gwapo ka sana.."
"Alam ko, noon pa."-napakayabang nyang sagot.
Sasabhin nya ako ang mayabang sa aming dalawa, eh sa totoo lang sya naman talaga ang makapal ang muka. Sa kada araw na nakita ko sya, palagi nyang ipinapaalala sa akin na ang gwapo gwapo raw nya.
"Seloso naman."-kutya ko at inirapan nya naman ako. "Mayabang pa."-dagdag ko.
"Wow. Ikaw kaya yon!"-sigaw nya.
Napailing na lang ako. Nkakabingi ang pagsatsat nyang parang babae. Pambihira.
"Oo na. Oo na lang. Umalis ka na at gabi na."
"Salamat."-sarkastiko nyang saad.
"Welcome"-tugon ko at pumasok na at inilock na ang gate.
"wow! Salamat talaga! Thankyou so much Bubbie!"-gigil na gigil nyang sigaw sa labas at kitang-kita ko ang itsura nya dito sa monitor.
Hahaha. Maya-maya lang din ay pumasok na sya sa sasakyan at humarurot paalis.
Papasok na sana ako ng loob pero nahagip ang mata ko sa may monitor. Isang itim na van, humarurot din paalis tungo sa direksyon ni Vios.
Masama ang kutob ko rito.
Vios' POV
Anakngtokwa talaga ang babaeng yon. Wala talaga manners. Isipin mo, hinatid sya ng isang gwapo, sexy and machong gaya ko tapos wala man lang thankyou? Wala man lang kiss?
Arghhh!
Nasasaktan ang puso ko!
Umiiyak na ang puso ko.
Kainis!
Isa pa, asawa nya ako. Kailangan ko yong kiss mula sa kanya. Yun na nga lang pinagkukunan ko ng lakas eh.
Npanguso ako sa mga naiisip ko. Wala din namang mangyayari kung magmamaktol ako sa sarili ko, ako lang ang magmumukang tanga.
Ano ba tong nangyayari sa akin? Kinakausap ko na ang sarili ko, para ako baliw. Nahahawa na ata ako kay Kenn, pucha naman oh.
*beep beep*
Automatic akong napatingin sa side mirror dahil nay bumusina sa akin. Isang van pala.
*beep beep*
Bakit ba busina ng busina ang sasakyang yon.? Hindi naman ako nakaharang sa dinaraanan nya ah.
Hindi kaya nagmamadali sya? Baka emergency.
Pinahina ko ang takbo ko at hinayaan kong maunahan nya ako. Tsk yun lang pala eh.
Muli kong ibinalik sa nakasanayan kong speed ng pagpapatakbo.
Pero agad akong napapreno ng biglang humarang ng pahilis yung van sa unahan ko. Fvck this driver! argh.
Lumabas ako ng kotse. Kailangang mabigyan ng leksiyon ang isang to.
YOU ARE READING
It Just Happened
Fiksi RemajaPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
