CHAPTER 52: Last?

82 6 0
                                        

                 Chapter 52

Vios' POV

Pagkatapos kong harapin si Raine tumungo ako sa parking lot.

Nakasalubong ko pa si Klyde. Mabuti na lamang, dahil naalala kong nasa kanya nga pala ang susi ko.

"Oh"-wika nya at ibinato sakin ang susi ko.

Lalagpasan ko na sana sya pero iniharang nya ang sarili nya aa daraanan ko.

"What's with that face huh?"

"Leave me alone Klyde."

He laughed. "Oh. Hhaha ano ngang nangyari? Bat ang sungit mo?"

At mas lalong uminit ang ulo ko. Wala ako sa mood para makipagbiruan sa kanya. Sana alam nya yon.

"Shut up! Tabe!"-sigaw ko at tinabig sya para makadaan ako.

Pumasok ako sa kotse at buong lakas kong hinampas ang manubela.

"Agggghhhhhh!"

Bakit ganon? Bakit kami umabot sa ganito? Masaya naman ah, akala ko magtutuloy-tuloy na.

Hinayaan ko ang sarili kong lumuha. Walang katapusan. Luhang punong-puno ng sakit. Luhang puno ng pait at pagsisisi.

When I saw them hugging each other, for me it explains everything. Wala ng kailangan pang ipaliwanag. Kitang-kita ko na. Sobrang sakit dahil hndi ko inaasahan na mangyayari to.

Ganon ko ba sya kamahal? Na nabulag ako na hndi pala talaga ako ang gusto nya?

Fvck! Nagsisisi ako. I hate myself ugh! Nagsisisi akong hiniwalayan ko sya. Ang sabi ng puso ko mali ang ginawa ko na dapat hinayaan ko syang magpaliwanag. Na dapat pinagbigyan ko sya. Samantalang ang utak ko, sinabing tama na. Dahil kung uulit pa ako, mas masakit na.

Siguro panahon na para utak naman ang sundin ko. Nagkamali ako, nagkamali ang puso ko dahil sumugal ako ng walang kasiguraduhan.

I started the engine and left. Habang binabagtas ko ang daan, napansin kong umuulan pala. Nakikisabay ata ang panahon sa pagdurusa ko.

Pero habang patuloy ako sa pagmamaneho, nakita ko sya. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano.

Pinahid ko ang luha ko. Baka mamaya namamalikmata lang ako. Pero totoo nga. Dahan-dahan syang naglalakad sa tabi ng daan.

Naglalakad syang walang dala kung ano man. Naglalakad syang walang payong, nakatungo at tila wala sa sarili.

May nagtatalo na namang ideya sa kalooban ko. Sabi ng isa, bumaba raw ako at lapitan sya. Pero sabi ng isa, wag na raw syang pansinin pa.

Pero nagdesisyon na ako. Di bale na. Last na naman to.

Bumaba ako ng kotse at nagsimulang maglakad patungo sa kanya.

Raine's POV

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Wala akong pakialam kung mas lalo pang lumalakas ang buhos ng ulan.

Sabi nila kapag raw nasasaktan ka, ito raw yung tipo na hndi mo mapigilan ang sarili mo sa pagiyak. Yung hndi mo mapakalma ang sarili mo sa kaiisip. Yung ramdam mong parang may sumasaksak sayo ng paulit-ulit. Yung tipong parang buong katawan mo masakit rin. Sabi nila ganon raw kapag nasasaktan.

Pero bakit ako ngayon hindi? Pagkatapos naming magusap ang alam ko lang, ayoko ng nangyaring yon. Gusto kong tumutol pero ayaw nya naman akong pakinggan. Naramdaman ko na lang na namanhid na ang buo kong katawan. Katulad nito umuulan pero hndi ko ramdam ang lamig. Hindi ko na dn alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Ibig sabihin ba non hndi ako nasasaktan? Ganon ba yon? Pero bakit ang hirap tanggapin?

It Just HappenedWhere stories live. Discover now