Chapter 38
Raine's POV
Matapos ang laro ay nilisan ko ang gym at bumalik sa room. Sinasabi ko na nga ba at hndi magandang ideya ang pagpunta ko don.
Ano na naman kasing kalokohan kaya ang pumasok sa kokote ng magkapatid na yon? Aish. Kingina.
"Raine! Bat ka umalis don!?"
"Oy tara bumalik tayo."
Nakasunod pala sa akin ang dalawang ito.
"Lets go back."
"Kayo na lang."-saad ko at umupo sa aking upuan. Muli kong kinuha ang mga folder sa ilalim ng table ko at ipinagpatuloy ang pag-aayos na kanina pa sanang tapos kundi lamang ako naabala ng dahil lang sa walang kwenta na larong yon.
"Grabe ka no, kilig na kilig ng bonggang-bongga ang lahat tas ganyan lang ang feslak mo? Ano ba yang puso mo bato? Grabe ka teh!"-sumbat ni Bing na may halong pangongonsensya.
Muli na namang nagbalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Yung sinabi nila sa akin, at yung pagkapanalo ni Vios.
Nanalo sya. It means...
Ugh No. I shook my head. No no.
Hndi naman ako pumayag sa kasunduan nila. Bahala sila, lumaban sila para sa wala.
"Raine tara na kase may celebration pa tayo! libre ni Vios owemji! andun na daw sina jeilo oh."-pilit ni Aya habang katext ang boyfriend nya.
"Kayo na nga lang sabi. Hndi nyo ba maintindihan? Magulo ang sitwasyon. Kaya pakiusap, wag kayong sumabay."-pakiusap ko sa kanila.
Tumahimik naman sila at dahan-dahang iniayos ang mga gamit nila.
"Sure ka teh? di ka sasama samin? Pupunta na kami don ah."
"Mm.."
"Lets go Bing. Arte arte nyan e"-palatak ni Aya at umirap sa akin. "Haba ng hair pero kj! hmp!"-pagtataray nya at naunang lumabas ng room.
Alangan namang makiparty ako diba? Anong gusto nila magpalibre ako sa pagkapanalo ni Vios, magcelebrate ako.
"Bye girl. Punta ka kapag nagbago na isip mo. Muah!"-paalam ni Bing na sya namang tinanguan ko lamang.
Bigla kong naalala si Van. Pupunta kaya sya sa canteen.? Sasama pa kaya sya sa mga pinsan nya? Okay pa rin kaya sila ni Vios? Hayst. Napakaraming katanungan sa isip ko na napakahirap hanapan ng kasagutan. Pano ba kase ako napunta sa ganitong sitwasyon.
Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Nakaramdam ako ng pagkalam ng aking sikmura. Gutom na ako pero wala akong magagawa kundi manatili rito, ayokong pumunta sa canteen at makihalubilo sa kanila.
Makalipas ang ilang minuto, naalala ko na may pagkain nga pala ako sa locker ko. Yung pinabaon sakin ni Papa na graham. Kaya heto ako at naglalakad patungo roon.
Pagkabukas na pagkabukas ko pa lamang nito ay isang sulat na naman ang naabutan ko. Pamilyar yung handwriting nya. Ganito rin kase ung pagkakasulat ng unang sulat na nakita ko noong isang linggo sa locker ko.
Ngayon ito naman ang nakalagay.
'Enjoy this day. Masyado kang atang dinadapuan ng swerte. But I swear I'll make you suffer.'
Hindi ako madaling matakot pero bigla akong kinabahan ng mabasa ko ang sulat. Mukang tama nga ang hinala ko, baka may gusto tong sender na to kay Van or Vios. Ang isip bata nya naman para magsend pa ng mga sulat na yan.
Itatapon ko na sana ulit pero may nakita akong isang letra sa likod ng papel.
'C'
Hndi ko na to binigyan pa ng pansin at idiniretso ko na sa basurahan. Mananawa din yang sender na yan.
YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
