Chapter 36
Raine's POV
"Anak umuwi ka ng maaga ah. May meeting kase ako mamayang gabi. 5 o'clock. Walang magbabantay sa mama mo."
Tumango naman ako matapos kong maisintas ang sapatos ko.
"Sge po, magpapaalam ako kay Coach. Tutal practice lang kami ngayon. Pe kase e."
"Okay. Ingat."-paalam nya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Thankyou Pa, kayo na po bahala kay Mama ha. I gotta go."
Lumabas nako ng bahay at pumayag na magpahatid kay Mang Raul. Nasa ospital kase ako at malayo to sa school. Malelate nako kung mag-aantay pa ko ng byahe.
----SIA----
Pagkarating ko sa school ay nilagay ko kaagad sa locker ang ibang gamit ko at dumiretso nako sa gym.
Naisip ko na malaki na naman ang posibilidad na makita ko ang magkapatid at magulo na naman ang araw ko.
Malulunesan na naman ako.
Tssk.
Nglalakad ako ng matiwasay at hinahanap kung saan nakatayo ang mga kapwa ko volleyball players, pero ang nahagip ng mata ko ay ang paglapit ni Myssa kasama ang dalawa nyang Prop Girls.
At ng makapantay sila sa akin ay nagulat ako sa ginawa ni Ivy.
Sinabuyan nya ako ng Alcohol. Damn it.
Pumalakpak silang tatlo sa kasiyahang kanilang natamo.
"Perfect! mabango ka na. Hindi na nakakadiring lumapit sayo."-asik ni Janelle.
"Tumatanggap kami ng thankyou ha."-pasaring ni Myssa.
Nagbulungan ang ilang estudyante sa paligid. Unti-unti ng nagdidilim ang paningin ko sa mga hinayupak na to.
"Napipi ka naman agad? Tss o nagulat? Sabagay ngayon ka lang ba nakaamoy ng alcohol? hahahh"
Nagtawanan sila. Pinagtatawanan nila ako? Tingnan nila kung anong hinahanap nila.
"Ano bang gusto nyo?"
"Yung totoo? Ung mawala ka sa paningin ko. Ung mawala ka na sa school na to! ung mawala na ang basurang katulad mo!"
Nagdiklap ang paningin ko at agad kong hinawakan ang damit nya, hinigit ko ito ng pagkakahigpit-higpit.
"Bakit ganyan ka makitungo sakin ha? wala akong ginagawa sayo, mula simula. Ikaw tong laging nauuna. Sabhin mo nga, naiinggit ka ba sakin? hmp."-pangaasar ko at mas lalong nilapit ko sakanya ang muka ko.
Umirap sya ng umirap at pilit inaalis ang kamay ko sa damit nya.
"Hands off arghh! Basagulera ka talaga no, excuse me sinong maiinggit sa katulad mong walang kwenta."
"Ikaw ang walang kwenta."
"Di hamak naman na ang ganda-ganda ko kumpara sayo. Mas maputi ako kumpra sayo. Title holder ako. E ikaw anong meron ka?"
"Pasensya. Meron akong katiting na pasensya para sayo, kaya ipagpasalamat mo yon. Isa pa wala akong pakialam sa mga sinasabe mo. Aanhin ko yang ganda kung sa ugali mo naman bagsak ka. Yang kilay mo madaling burahin, pero ung ugali mo di na kayang baguhin."
"GIRLS! damn it Raine, nasasakal ako!"-pagpupumiglas nya. "Guys, tulungan nyo ako."-saklolo nya sa mga estudyanteng naririto at nakapalibot samin.
Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanya, pinilipit ko din ang kanan nyang braso pra hndi ito maipangkalmot sa akin.
YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
