Chapter 58
Raine's POV
Nandito na naman kami ngayon sa ospital. Nahilo si Mama kaya dinala ko agad sya rito. In-admit agad sya. Mamaya lang rin ay uuwi na ako samin. Dun ako tutulog dahil may tatapusin akong project.
Iniintay ko lang si Papa, sinusundo nya si Wren. Gusto nya raw kasing makita si Mama.
Magaalas-otso na ng dumating sila. Sabay-sabay naming pinagsaluhan ang pagkaing dala nila. Pagkatapos ay naligo si Papa, bago ako umalis.
"Bye Wren. Magbabait ka ha, wag kang malikot. May iniintindi si Papa."-habilin ko sa kanya.
Nakasunod lang sya sa akin rito sa parking lot ng ospital. Sinabi ko na ngang wag na nya akong ihatid pa pero mapilit talaga sya.
"Ate ako pa ba? Tss. Ako bahala sa kanila ni Mama. Mag-aral ka lang."-tugon nya.
I patted his head. "Wow ang yabang ah."
"Tss. Gwapo lang."-mayabang nyang saad. Tsk tsk tsk.
"Oh sya sige na. Alis na ko. Bye."-paalam ko at hahalik sana sa pisngi nya.
Pero umiwas sya. "Oopss. No no no."-pigil nya habang umiiling-iling pa.
"Ang damot halik lang eh."-sumbat ko sa kanya.
Nginitian nya naman ako. "Hindi na kase bagay sa akin yon, malaki na ko. Psh."-pagiinarte nya. Feeling malaki na talaga ang isang to. Atat maging gurang. "Pero ito bagay sakin, bumaba ka."-utos nya at ginawa ko.
At hinalikan nya ako sa noo.
"I love you. Ingat."-wika nya na kala mo ay hindi sampung taong bata ang kausap ko.
"I love you too."-tugon ko at sumakay na sa sasasakyan.
Kahit na nakasarado ang bintana ko ay kumakaway-kaway pa din sya sa labas. Ibang klase talaga ang kapatid ko. Baka mamaya nyan may syota na agad yon. Pambihira. Chickboi amp.
Nang makarating ako sa bahay ay tinapos ko na ang project na kailangan kong ipasa para bukas.
Tutulog na sana ako pero bigla kong naalala ung nangyari kahapon sa restaurant. Hindi ko akalain na ganon ang kahihinatnan ng usapan namin. Akala ko nga si Shane lang ang kakausap sakin, hindi ko alam na kasama pala sya. Tapos ganon lang yung aabutan ko.
Hindi naman sguro masama kung masaktan ako dba? Kahit na ipinagtulukan ko syang minsan kay Shane, hindi non mababago yung katotohanan na mahal ko sya.
Gusto kong maniwala sa kanya. No. Naniniwala ako sa kanya. Pero hndi ko lang talaga mapigipang masaktan. Bakit nya pa kailangang ideny kung pede namang aminin? Mas masakit kase yung tinatago nya pa e huling huli na naman.
Naalala ko pa ung sinabi nyang babagalan nya ang pagmomove-on nya para makahabol ako. Pero mukang hindi na. Mukang nagmamadali na sya.
At nang dapuan ako ng antok ay nakatulog ako kaagad.
Kinabukasan.
Npabalikwas agad ako sa tunog ng alarm clock. Dali-dali akong gumayak. Hindi na din ako nagpaluto kay Manang, dahil sabi ko'y sa school na lamang ako kakain.
Nang makarating ako ay sakto sa oras. Naipasa ko ang proyekto ko. Himala pa nga at hindi ata ako napansin ni Sir Agapito buong klase.
"Raine huy!"
"Oh?"-sagot ko ng wala sa sarili.
"Anong oh? May tinatanong ako sayo eh "
Wala talaga ako sa huwisyo ngayong araw. Miski ang mga aralin ay di ko masydong naiintindihan. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang naiisip ko lang ay yung sinabi ni Shane kahapon, yung magpapakasal raw sila ni Vios.

YOU ARE READING
It Just Happened
Novela JuvenilPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...