CHAPTER 7: Enemy

133 8 0
                                        

                     Chapter 7

Vios' POV

    Ganadong-ganado akong gumayak. Linggo ngayon at may practice kami, sguro kung kayo to tatamadin kayo. Pero since basketball is my passion, I feel energetic.

Binagtas ko ang daan patungo sa school. Nang makarating ako sa gym ay wala pa si coach at si Bryan..

Naupo ako sa bleachers at iginala ang paningin ko.

"Ang aga mo rin ah?"-pansin sakin ni Klyde.

I nodded. "Yeah, napaaga ng gising."-May kani-kanila silang ginagawa. Nilabas ko ang phone ko. 7:24 pa lang. Ang aga pa nga.

Anyways, nasan ung mga volleyball players? Hndi ba't sabi kahapon e may praktis din sila.

"Nasan sina Raine?"-bigla kong naitanong.

Nabigla ako sa lumabas sa bibig ko. At bakit ko naman sya hinahanap? Wala akong pake kung nasaang lupalop man sya ng mundo. At saka malamang wala pa yun dito.

"Nasa field. Ang aga nga nila nagstart e, maaga rin daw uwian nila."

"Bakit raw?"

"My lakad raw si Sir Fermin."-tugon ni Kenn.

Hndi na ako umimik pa. May kung ano sa akin ang gustong pumunta sa field. At ano namang gagawin ko don? Wala naman, masisira lang ang araw ko. Nevermind.

Time check. 7:31

Ang tagal ah. Nsan na ba si coach. I tried to make myself busy pero mas naiirita lang ako. Sguro kase ayoko ng pinaghihintay. Yes, tama.

Tumayo ako at nagisip. Kung ppunta naman ako sa field? E ano naman? Hndi ako pumunta pra sa kanya. At saka kung yun man ang isipin nya, who cares? Mambubwisit lang naman ako.

"Labas muna ko."-paalam ko sa kanila.

Hndi sila sumagot, kanya-kanya sila ng pindot sa mga cellphones nila. Buti pa sila busy. Haystt.

Naglakad ako patungo sa field. Malayo pa lang ako ay tanaw ko na sila. Naglalaro nga. Npansin ko din si Coach Fermin, na may kung ano-anong isinesenyas sa kanila.

Papalapit ako ng papalapit ng mahagip ng mata ko si Raine. Bigla nyang pinalo ang bola, nagserve sya at hndi ito nasalo ng kabila. Mukang magaling sya. Pinasadahan ko sya ng tingin, nka shorts ng maikli. Bat ang ikli? Cycling ata yun e, makapal lang. Tapos naka fitted sando. Yun panlarong sando.  Naka-pony din ang buhok nya. Anong kaartehan naman ng babaeng to? Bat ganyan ang suot nya? Akala ko sisiga-siga sya pero nagpapakita din naman pala. Tsk.

"Vios!"

Napalingon silang lahat sakin, dahil kinawayan ako ni Sir Fermin.

Nginitian ko sya at kumaway pabalik. Tumakbo ako palapit sa kanila, at hndi ko nakita ang bola sa ere. Bigla ko na lang itong naramdaman na tumama sa akin. Sa may braso.!

Fvck!

"Aray."-nasapo ko ang braso ko dahil sa sobrang sakit.

"Halaaa si Vios!"

Narinig ko ang bulalas ng mga players. Hndi ko kilala kung sino man sila. Hinampas-hampas ko ng mahina ang braso ko, medyo nagookay okay na.

"Kamusta? Tra sa clinic?"

Umiling ako. "Hindi na ho Sir. Okay na, malayo sa bituka to."-sagot ko.

Napalilibutan na din pala kami ng mga players. Inisa-isa ko sila. Wala si Raine, lumingon ako at nakita ko syang nakitingin sakin pero malayo. Seryoso sya at mukang walang pake. Nakakainis sya.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now