CHAPTER 12: Sorry

122 9 0
                                        

                 Chapter 12

Vios' POV

      Tulala lang ako habang nakatayo kung saan ako nakatayo bago umalis si Raine. Matapos kong marinig ang kanyang lintanya ay para akong nakaramdam ng mabigat na kung anuman sa aking dibdib. Marahil natamaan ako sa kanyang sinabi, ilang beses ko na syang sinaktan physically and emotionally, ilang beses ko syang napahiya, ilang beses ko syang minaliit. Ni hindi ko nahalata sa kanya na ganon kabigat ang mga problema nya. Kahanga-hanga sya at sa kabila noon ay nagagawa nya pa ding pumasok at labanan ang sinumang umaapi sa kanya.

"Vios nandyan ka pala!"-Myssa exclaimed, hinawakan nya ang kwelyo ng uniform ko. "Where is Van?"-malambing nyang tanong sa akin.

Naalala kong muli ang ginawa nyang pamamahiya ka Raine kanina. Pinadlis ko ng malakas ang kamay nya at nagulat sya pati ang mga kasama nya.

"Dont talk to me. Were not friends, you brat."-I greeted my teeth. Nakakainis talaga ang mga ganitong klase ng babae.

Tinalikuran ko sya at nilisan na ang kantina. San kaya nagpunta yung babaeng yun? Pinuntahan ko sya sa room nya. Sinilip ko ngunit sarado na ito at walang tao. Nasan kaya sina Aya at Bing? Napagpasyahan kong tumungo sa gym, rinig na rinig ko kase ang ingay nila. Wtf! Ang daming tao, imposible naman na mapadpad pa dyan si Raine. Umiiyak sya kanina, kaya malamang hndi na nya tatangkain pang makihalubilo sa ganitong karaming tao, lalo na't ang ingay-ingay pa.

Balik na lang siguro ako sa room. Magsstart na rin naman ang 2nd period namin. Humakbang ako palayo ng gym, pero parang sinadya dahil kusang napatingin ang mga mata ko sa gawi ng field. Mula rito, tingin ko ay walang tao. Pero wala namang masama kung susubukan kong puntahan diba?

Naglakad ako patungo rito. Malawak ito at nakatayo ang iba't-ibang net rito. Mukang wala nga sya rito. Bago ako nagpasyang umalis ay pinasadahan kong muli ang buong field. At napadako ang paningin ko sa may pinakadulo sa kaliwang bahagi. I know its Raine. Nkaub-ob sya at habang nakaupo ay yakap-yakap nya ang tuhod nya. Umiiyak pa rin kaya sya? Naglakad ako patungo sa kinaroroonan nya, huminto ako sa harap nito.

Hindi ko alam kung anong sasabhin ko. Baka isipin nya concern ako. Tsk, ibang klase pa naman magisip ang babaeng to. FYI, naawa lang ako sa kanya at sguro.. Hayst! oo na, nakokonsensya na ako sa kabila ng mga pinaggagawa ko sa kanya. Pero that doesn't mean na ako lahat ang may kasalanan ng away namin no.

"Why are you here?"-napatungo ako sa kanya. Marahil naramdaman nya agad ang presensiya ko.

Tinitigan ko sya, napakalamla ng mga mata nya. Mamula-mula ito. Kung sino man ang tumitig sa mga mata nya parang mararamdaman na rin mismo ang hirap na pinagdadaanan nya sa buhay.

"Sabi ko bakit ka nandito?"

"Rinig ko, hndi ako bingi."-sagot ko naman.

"Baka sakaling hndi mo alam ung english."-mayabang nyang tugon sa akin.

Ang kapal nya din talaga ano. Ugh! iwan ko siya rito eh.

"Excuse me?"

"Umalis ka na."-utos nya sa akin

Take note! Utos nya sa akin. Ang kapal nyang utusan ako, pumunta ako rito para sa kanya tapos gaganituhin nya ako. Gustong-gusto kong sumigaw pero hndi ko magawa. Naaapektuhan ako sa itsura nya ngayon. Napakatamlay.

"Ayoko nga. Hinanap kaya kita, tapos paaalisin mo lang ako?"

"Bat mo namn ako hinanap?"

"Dahil.. Dahil baka magbigti ka.. O baka.. Maglaslas ka.! kaya hinanap kita."-sagot ko at umiwas ng tingin.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now