CHAPTER 41: Involve In Fight

102 8 0
                                    

                  Chapter 41

Bing's POV

Andito kami ngayon sa field. Kasama ko si Aya dito sa may bench, sa di kalayuan ay pinapanood namin ang mga volleyball players, kasama si Raine sa kanilang training.

"Ang init!"-daing nya.

"Malamang nasa labas tayo, walang aircon diba? Masydo ka namang maarte vaklang to."-bilasik ko sa kanya.

"Parang sinasabi lang na ang init e, hndi ka ba naiinitan ah?"-

"Naiinitan."

"Oo impakta ka pala e! Edi mainit nga. Kaloka."-sambit jya ay inirapan ako.

Majojombag ko talaga to eh. Kanina pa to, sinabunutan nga ako nito kanina hndi ko pa nagagantihan eh, lagi kaseng nakabakod si Jeilo.

Habang nagiisip ako ng masamang balak kung paano gagantihan ang bruhang si Aya, napansin namin na nagtumpukan ang players sa gitna.

"Anong pinagkakaguluhan ng mga yon Ayapot?"

"Aba malay ko, tara nga don."

"Tara"

Dali-dali naming tinungo ang kanilang kinaroroonan. Kinulbit ko ang isang babae na may apelyidong 'Gomez' sa jersey nga, number 10.

"Anong meron teh?"-tanong ko, dahil hindi ako makasingit sa kanilang pinaguusuyosohan.

"Nagkaasaran sina Legardo at Marquez e, ayon nagkakasagutan."

"Legardo? Marquez?  You mean si Raine Marquez?"-pagkompirma ko.

"Oo nga yung kaibigan mo. Baklang to paulit-ulit."

Nagulat naman ako sa pagtataray nya sa akin.

"Wow teh, masamang magtanong ha? May bayad? Kaloka ka! dyan ka na nga."

Umalis ako sa harap ng babaeng kulugo na yon. Baka hndi ako makapagtimpi at baka maitaktak ko lang sya hanggang sa mailuwa nya ang atay, appendix at apdo nya. Kundi lang talaga ako concern sa nangyayari kay Raine malamang nakipagsagutan ang beauty ko don. Pasalamat sya nakaligtas sya. Hayst! Bwiset.

Nakipagsiksikan ako sa mga players hanggang sa napunta ako sa una at kitang-kita ko ng buo sina Raine at yung isang co-player nya. Baka ito yung Legardo na sinasabi nong babaeng kulugo kanina.

"Ano Raine? Ang yabang-yabang mo kase e, porque boyfriend mo si Vios. Tss, akala mo sasambahin ka na namin?"-asik nung babae na nanggigigil.

Tumingin ako kay Raine na chill na chill lang na nakahawak sa bola at nakatingin na animo'y walang kwenta ang sinasabi ng kanyang kaharap.

"Sino ba may sabi sayong nagpapasamba ako? Hindi ako Santo."

Hhahahaha. Tama nga naman. To namang Legardo na to napakabobo.

"Oh c'mon. Wag ka ng magpatawa."-wika ni Legardo dahil nagtawanan ang ilan sa amin ng dahil sa sinabi ni Raine. "Galit ka kay Myssa actually parehas lang naman kayo. Bakit hndi mo sya gayahin? Lumandi ka ng lantadan!"-sigaw nito.

"Wag ko kong ikinukumpara sa iba."-saad nya at lumakad papalapit rito. Hinawakan nya ang braso nito ng madiin. "Dahil kahit kailan, hndi ako sila."-buong-loob nyang sabi at kitang-kita ko ang panlilisik ng kanyang mata. "Naiintindihan mo?"

"Bitawan mo ang girlfriend ko."

Isang boses ang nakapagpalipat ng aming atensyon. Isang medyo may katabaang lalaki ang nasa harap namin. Estudyante rin pala sya rito pero mulang adik. Ansama makatingin.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now