Chapter 26
Raine's POV
Naglakad-lakad ako sa mall. Iniwan ko lang sya sandali dito, tas ngayon wala na agad. San naman kaya nagsusuot yong batang yon?
Kinapkap ko ang cellphone ko at dinial ang number nya.
Calling.. Wren...
(Hello Ate?)
Napahinga ako ng malalim. Akala ko hndi nya sasagutin e, hndi naman sa OA ako o ano. May tiwala naman ako sa batang to at saka masydong malawak na syang magisip.
"Wren where are you?"
(Chill ate. Sumakit bigla yung ulo ko e kaya lumabas na ako. Im here inside the car. Kung tapos ka ng mamili dyan, lumabas ka na at uuwi na tayo.)
I smiled, ever since para talaga syang matanda na kung magsalita.
"Ayaw mo man lang bang kumain? Bka nagugutom ka na?"
(Slight? Sa bahay na lang. I'll hang up. Lobat na ko.)
"Osige pe---"
*toot* *toot*
Argh!
San nagmana ng kabastusan yong batang yon? Hmn, tsk. Di bale, baka nalobat lang.
Napagpasyahan kong daanan na lang sa department store yung gown na sinasabi ni Mama, na pinareserve na raw nya. Gusto ko lang tingnan, baka mamaya hndi bagay sakin. Aba mahirap na, bukas na yung party.
Panay ang sulyap ko sa bawat store na nadadaanan ko. Baka malampasan ko. Bwisit.
"Raine!"
Npalingon ako dahil sa pag-alingawngaw ng pangalan ko. Kung sino man ang nilalang na yun potek, ako ang nahihiya para sa kanya. Hndi nya ba alam na nasa mall kami?
Ang dami-daming tao e. So anyway, I turn around and I was slightly surprised when I saw her. Yung babaeng mukang inosente, maputi. Yung nakita ko sa library. Yung nagpahiram sakin ng pe uniform at yung babaeng may ari ng ospital.
Hindi ko marecall ang pangalan nya. At ngayon nga ay kaharap ko na sya.
Nginitian ko sya ng bahagya. Hndi naman ako sanay na ganto e.
"Hi? Window shopping?"
Umiling ako. "May pinapadaanan lang si Mama."-tugon ko naman dahil wala akong balak makipagkwentuhan sa kanya.
"Ah I see. Pauwi ka na ba?"
"mm"
Bigla namang bumaba ang mood nya. Ngumuso pa sya. "Why so early? Pede bang makarequest?"
Napaisip ako ano naman kayang ihihiling sakin ng babaeng to. And then a certain idea, pop up on my mind. Yeah, her uniform.
"Oh..Hindi ko dala yung pe mo. But since andito na tayo bili ka na lang. Sagot ko."-I insisted.
Bigla namang lumawak ang ngiti nya at tumawa. Tinawanan ako. Duh? Anong meron.
"hahahaha. Raine ano kaba? hahaha"
Tao malamang. Tssk.
Napansin nya naman sguro ako na hndi kumportable sa ginagawa nya. Hndi naman sa offended ako sa sinabi nya. I just dont know how to react. Alangan namang makipaghalakhakan ako sa kanya diba? Were not close.
"Ohh, sorry. Hndi kase yon ang ibig kong sabhin."-nakangiti nyang pasubali at inayos ang nakasabit sa katawan nyang shoulder bag.
"Eh?"
YOU ARE READING
It Just Happened
TeenfikcePresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
