CHAPTER 60: Epilogue

144 8 6
                                    

Chapter 60

Vios' POV

Fast forward. Limang taon na ang nakalilipas. Parehas na kaming graduate ni Raine. Architect na sya at ako naman ay engineer na. Well, bagay na bagay talaga kami.

At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ngayon na talaga mangyayari to. Ngayon na ang araw na mapapalitan ng Sarmiento ang apelido ni Bubbie.

Dhina Raine Sarmiento. Bagay na bagay rin talaga sa pangalan nya ang apelido ko.

Andito na ako sa altar. Kasama ko ang APAT. Kung sana lang buhay si Kuya edi kumpleto kaming ANIM ngayon. Pero di bale na, kahit wala ang katawan nya. Alam kong nandito pa rin ang presensiya nya para saksihan ang pagiisang dibdib namin ni Raine.

"Bro this is it! Makaka three points ka na rin sa wakas!"-bulalas ni Joaquin. Kahit talaga kelan napakamanyakis nya.

"Wag ka ngang maingay. Nasa harap tayo ng altar!"-saway ko.

"Oo nga Joaqs kilabutan ka nga!"-asik ni Kenn. "Pero bro. Seryoso. Masaya ako para sa inyo."

"Ako rin. Sana ako na sunod na ikasal."-wika ni Klyde.

"Kasal mo muka mo, wala ka ngang syota e. Ako muna."

"Hoy mga unggoy! Kami kaya muna ni Sweetiepie, kami yung may label na. Yung sa inyo malayo pa!"-pagmamalaki mo Jeilo.

Tama naman ang sinabi nya, sa pagdaan ng limang taon mas lalo pa silang tumatag. Yung pagaaway, hindi naman nawawala yon e. Ang mahalaga naayos. Yun ay dahil mahal na mahal nila ang isa't-isa.

"Ang kapal mo. Palibhasa kasi maaga kang lumandi, ako kase goodboy!"-pang-aasar ni Klyde na nagsisimula ng mainis.

Hindi ko din alam kung bakit hanggang ngayon ay hndi sya magkasyota. Ang dami namang nagkakandarapa sa kanya. Malas talaga sya sa babae e.

"Ah basta ako masaya ako sa ka-MU ko."-buong-pagmamalaki ni Kenn.

May ka-MU sya. At dalawang buwan na rin syang nanliligaw dito. Nakilala nya yon at nakakasama sa trabaho.

"Hay nako. Basta ako, palandi-landi muna. Darating at darating din yung para sa akin, sa tamang panahon."-sambit ni Joaqs na naaayon sa paniniwala nya.

Inakbayan ko sya. "Sana nga dumating na yon para magkabait ka na!"

"Mabait naman ako ah!"-depensa nya.

"Akala mo lang yon."-sabay-sabay naming sigaw sa kanya.

"Pede rin namang intayin mo si Bing na makapagpa-sex change."-suhestyon ng walangyang si Jeilo.

"HAHAHAHAAHA"

Dahil sa biro nya ay napalakas ang tawanan namin at nalimutan namin na nasa loob nga pala kami ng simbahan.

At sinenyasan kami ng isang taong-simbahan para tumahimik.

"Yan. Quiet baka maiurong pa ang kasal ko."-singhal ko sa kanila.

Lumapit sa amin si Mama. Napakalawak ng ngiti nya. Ito yung pinakadabest at unexpected sa lahat. Ang laki ng pinagbago nya, higit sa lahat tanggap na tanggap nya na rin Raine.

"Ang popogi naman ng mga lalaking to."-puna nya at huminto sa harap ko. "Lalo na tong isang to oh. Gwapo gwapo."-papuri nya sa akin at pinisil-pisil pa ang pisngi ko.

"Ma naman!"-pag-angal ko.

"Sus ang arte. Boys pumila na kayo don. Lalakad na ang mga abay, andyan na si Raine sa labas."-utos nya.

Tumango sila at tinapik ang balikat ko.

"Goodluck bro. Dont cry."-paalala ng makulit na si Joaquin, inismidan ko lang naman sya.

It Just HappenedWhere stories live. Discover now