Chapter 45
Vios' POV
Andito na kami ngayon sa Manila, nailipat na sa rin si Tita at okay na raw ang lagay nya. Kaaalis lang rin ni Tito dahil sinusundo nya ang ina at ama ni Tita, pati na rin si Wren dahil kanina pa raw itong nagwawala sa bahay.
Kya ngayon kami pang ni Raine ang andito sa kwarto. Kagigising lang rin nya dahil napilit ko syang umidlip.
Ngayon naman ay inaayos ko na ang bag ko, dahil uuwi muna ako sa amin. Abot-abot na ang tawag at text sakin ni Mama, galit nga sya.
"Ahm. Okay lang bang mauna na ko?"-tanong ko sa kanya.
Tumango sya at tumayo at biglang lumapit sa akin.
"S-saan ka p-pupunta?"
"Tsk"-inismiran nya ako at sinuntok ang braso ko. "Wag kang assumero, isasara ko ang pinto, palabas ka na diba? Alis na."-pagtataboy nya sa akin.
Pinagkunutan ko sya ng noo. Talaga bang walang preno ang bunganga ng babaeng to. Akala mo naman hindi sya nakakasakit ng damdamin. Isinukbit ko ang bag ko at tumalikod na sa kanya.
"Oo aalis na nga!"-singhal ko sa kanya. "Alam ko namang napipilitan ka lang na pakisamahan ako. Sge na! san nga ba ako nakakita ng magshota na walang gusto ang isa. Tsk sorry bobo!"-asik ko sa kanya.
Nakakainis lang talaga kasi, palagi nyang ipinaparamdam sa akin na ang bata-bata ko kumpara sa kanya.
"Arte mo."-tugon nya na wari'y bato ang puso. Walang pakiramdam!
"Tutal lagi ko lang rin namang nararamdaman na ang bata ng tingin mo sa akin"-bigla ay naging seryoso ako. Hndi ko alam kung bakit pero bigla akong nasaktan. "Lagi mong ipinapaalala na ganito lang ako, na mababa kumpara sayo."-napalunok ako. Tiningnan ko sya, tahimik lang habang nakapamulsa at nakatingin sa akin. "Sige alis na ako."-paalam ko at akmang hihilahin na pasarado ang pinto pero iniharang nya ang sarili nyakaya napahinto ako.
"Bakit?"
Lumapit sya sa akin ng may mayabang na tingin. Psh. Wala namang bago.
"Kinokonsensya mo ba ko?"-tanong nya.
"Hindi! aalis na nga ako, wag mo ng ungkatin pa!"-usal ko.
Yes, Im trying to avoid from our topic. Tao lang din naman ako ano, kahit na ipinagsisiksikan ko ang sarili ko, nasasaktan rin ako para sa sarili ko.
"Masyado namang masama ang tingin mo sa akin."-sumbat nya. "Bata ang tingin ko sayo? oo. Kumpara sa akin, mas maedad ako sayo ng dalawang taon. Pero hndi ko naman intensyon ang maliitin ka. Mali ang pagkakaintindi mo."
Hinarap ko sya, ako na naman ang pinapalabas nyang mali. Sabagay ako naman lagi.
"Ako pa ang mahina umintindi? Bahala ka na nga! Sabi ng tumigil na eh, uuwi na lang ako."-pag-angal ko sa kanya.
Bakit ba ang tigas ng ulo ng isang to? Sinabi ng ayoko ng pagusapan pa ang ganong mga klase ng bagay.
Tiningnan ko sya, tahimik lang sya. Sht. Bakit ko sya sinigawan? argh. Masydong magulo ang isip ko pero hndi ko dapat na sabayan pa ang pinagdadaanan nya ngayon.
Lumapit ako at hinawakan ang dalawa nyang kamay.
"Look. Im sorry Bubbie. Hindi ko sinasadya..Alam ko namang.. Ahm, basta alam mong mahal kita. At hndi ko naman pinipilit na mahalin mo rin ako. Hayaan mo lang akong mahalin ka, ako na bahala sa lahat."
"Gusto kita."
*lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub lubdub*
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
"A-ano?"
Halos hndi ko na maibuka ang bibig ko dahil sa aking narinig. Hndi ko alam pero may kusang pagiisip ang labi ko. Kusa akong napangiti. Kusang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko at kusang pumatak ang luha ko.
"Bat ka naman iiyak? Tss."-she commented and smirked.
"Ano ngang sinabi mo kasi?"
"Narinig mo na yon."
"Ulitin mo nga!"-utos ko at pinahid ang aking luha. "Dali na isa lang."
"Tss nasabi ko na, hndi ko na uulitin pa."-pagmamatigas nya.
"Ang damot mo alam mo yon! Konting pabor lang eh."
"Umuwi ka na! sge na. Magigising na si Mama sa kaingayan mo."-pagtataboy nya sa akin at ng hndi pa nasiyahan ay itinulak nya ako.
"Ito na, sandali!"-asik ko at tinawanan nya ako. "Tss, tinatawan-tawanan mo ko ha. Yiee pasalamat ka mahal kita."
"Salamat."-sagot nya.
"Always welcome."-I answered and winked. "Sge alis na ako. Sobra mo akong napasaya ngayon. Salamat."-saad ko. "Wala man lang bang goodbye kiss.?"-tanong ko.
"Wala ito, gusto mo?"-tanong nya sabay pakita ng kamao nya. "Abusado ka na, nagiwan kapa ng marka."
"Ano bang marka ang sinasabi mo?"
"Ito"-tugon nya at itinabingi ang ulo. Ipinakita nya ang kaliwang parte ng leeg nya. May pula, bakas ng pagkakagat ko roon kagabi, nasipsip ko nga pala yon.
Npakamot ako sa ulo, napahiya na naman ako dahil sa ala-alang iyon.
"Tss. Sge na, alis na."
"Kiss na nga kase."-maktol ko sa harap nya.
"Ang arte ha."-reklamo nya at ikinawit ang kamay nya sa batok ko sabay higit.
*tsup*.
Damn. She kissed me!
"Okay na?"-tanong nya. And I was so speechless kaya tumango na lang ako. "Ge layas. Ingat."wika nya at pinagsaraduhan na ako ng pinto.
Naglakad ako palabas ng ospital ng wala sa sarili. Una, inamin nyang gusto nya ako. Tapos pangalawa, hinalikan nya ako. Fvck. It was so sweet. Arghh.
Kill me now! <3
Raine's POV
Agad kong ibinaba ang tawag ni Vios, nakarinig na naman ako ng kacornyhan nya at ayoko ng pahabain pa dahil paniguradong malelate ako sa pagpasok.
Ang aga-aga nyang tumawag tapos sasabihin nya lang na...
"I miss you. Kahit na isang araw pa lang tayong hndi nagkikita. Out of sight, yes. But Bubbie you are never off of my mind. Kitakits sa school ha."
Oh dba. Nasaulo ko pa pala yung linya nya bago ko ibaba ang tawag. Pambihira.
Naalala ko yung ginawa kong pag-amin ng nararamdaman ko sa kanya nung isang araw sa ospital. Hindi ko akalain na iiyak sya dahil bigla ko na lang yung nasabi sa kanya at wala naman akong pinagsisisihan dahil ilang araw na rin akong binabagabag ng isipin yon.
Napangiti ako sa aking sarili. Nkahakbang nako ng isa. Intayin mo ko Vios, malapit nako. Konti na lang.
~*~
@SouthVille International Academy
Inusap kami ni Coach namagtraining at inexcuse nya kami sa mga lecturers namin sa buong araw. Natatawa nga ako, tanghali na at hndi pa din ako kinukulit ni Vios. Malamang sa malamang hndi nya ako makita. Pinagbilinan ko sina Aya na wag sabhin kung nasan ako, dahil paniguradong mangungulit lang yun kahit na maabala pa ang klase nya.
Naglalakad ako patungo sa locker para kunin ang pamalit ko ng may malaglag na naman na sulat mula rito.
'Sinabi ko na sayong layuan mo sina Van at Vios.Ang tigas ng ulo mo ha. Ayaw mo talagang sumunod. Tingnan natin kung hanggang saan ka.'
Talagang napakajeje ng sender na to. At saka wala sa bokabularyo ko ang matakot at lalong hndi ako sumusunod sa kung sino-sino lang.
Dating gawi, pinunit ko ito at itinapon sa basurahan. Muli akong naglakad pabalik sa field at iwinaglit na iyon sa aking isipan.
YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
