Chapter 17
Raine's POV
Pagkapasok ko pa lang ay iba na agad ang pakiramdam ko. Ang laki ng iba, ang bigat sa dibdib. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Tahimik, walang nanggugulo.
Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko, may ilang napapadaan ang tingin sa akin pero hndi naman ako pinapansin. Hindi ako kinakausap.
Napatingin ako sa upuan nina Aya at Bing, wala pa sila.
Naalala ko sila sa tuwing aabsent ako.
~Flashback~
"Raine ano bang nangyari sayo?"-bulalas ni Bing.
Hindi ko sya pinansin, at nagdiretso lang sa upuan ko. Puyat na puyat ako, haysst.
"Huy girl!"
"Raine naman."
Sabay na naman nila akong kinukulit.
"Wag kayong maingay please"-pakiusap ko at ipinikit sandali ang aking mga mata. Wala pa naman akong gaanong tulog kagabi.
"Raine, ano ba kasing nangyari sayo at dalawang araw kang absent.?"-tanong ni Aya.
"Nevermind."
"Beh ano ba? Naloka ako at missing in action ang peg mo. Namiss din kaya kita."
"Oo nga"-Aya agreed.
"I dont care."-sagot ko sa kanila at umub-ob.
"Hayy Raine, you'll never change."-maktol ni Bing na kahit hndi ko sya nakikita ay alam kong nanghahaba na naman ang nguso nya.
"Hayaan mo na"-pigil sa kanya ni Aya. "Mukang pagod sya. Bigay na lang natin yung notes mamaya."
"Ano pa nga ba? kalurkey"
~End of flashback~
They always care about me. I paused for a while. Naalala ko yung sinabi sakin ni Vios, concern sakin sina Aya at ganin din ako sa kanila. Mahal nila ako, at ganon din ako sa kanila. Ayoko mang aminin dahil hndi ako sanay, at dahil mas gusto ko palaging magisa. Mukang tama nga sila. They are my friends. Pero nasaktan ko sila.
Bat ganon? Hindi ko agad naisip yun nung una pa lang. Edi sana, hndi kami nagkakaganito ngayon.
"Ehem"
Napatigil ako sa malalim na pagiisip ng marinig kong tumikhim si Bing. Nandito na silang dalawa.
Umupo sila kaagad sa mga upuan nila. Tahimik lamg sila at nilabas ang ilan nilang gamit, wala pa namang lecturer.
"Oy"-tawag ko sa mga ito. Pero parang hndi nila ako naririnig dahil hindi nila ako pinapansin.
"Huy"
Still no response.
"Aya at Bing."-pagtawag ko sa mismong pangalan nila. At dun sila humarap sakin.
"Yes?"-tanong ni Bing na taas-kilay. Namiss ko tong pagtataray nya.
"Luh ngumingiti magisa. Baliw."-puna sakin ni Aya at bahagyang umirap, isa pa tong babaeng to. Kulutin ko yang rebonded nyang buhok e.
"Bakit ba Raine?"-tanong ni Bing na parang nauubusan ng pasensyang makipagusap sakin.
"Hndi nyo na ba talaga ako kakausapin?"
"Kinakausap ka na namin. Right Bing?"
"Right. Ano pa bang kailangan mo?"
YOU ARE READING
It Just Happened
Teen FictionPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...
