CHAPTER 32: Caught

118 12 1
                                    

                   Chapter 32

Klyde's POV

Nandito kaming dalawa ni Vios sa tambayan naming anim.

Guess what? Pinoproblema na naman nya yung problema nya. Kingina talaga nitong lalaki na to.

Feeling ko nga tumatanda na ako sa kaiisip.

"Klyde! Fvck u!"-singhal nga sa akin.

"Hoy siraulong to! Inabala mo na nga ako sa pagtulog ko dito ikaw pa masama ang ugali. Ulol!"-sigaw ko sa kanya pabalik at niyakap ang unan sa gilid ko.

Nakahiga kase ako sa sofa tas nakaupo naman sya sa swivel chair na nakaharap sa akin.

Payapa akong natutulog dito kanina dahil puyat na puyat pa ako tas bigla syang dadating at magdadabog. Kamusta naman diba? Sarap pumatay ng lalaking mas bata sa akin. Hndi ko sinasabing si Vios to ah pero mukang ganon na nga.

"Eh kase naman. Umayos ka, makinig ka. Palagi kang nakapikit dyan."

Demanding pa. Nagmulat ako ng mata at sinamaan sya ng tingin.

"Kahit nakapikit ako naririnig kita. Rinding-rindi na nga ako sa mga sinasabi mo."

Nginiwian nya ako at humalukipkip.

"Hndi ko na kase talaga alam ang gagawin ko."-wika nya na wari mo'y bigong-bigo.

"Anong klaseng muka naman yan! muka kang nasawi."-reklamo ko.

"Nakakainis naman kase talaga. Imagine, tinatry kong iopen-up yung feelings ko. Sinusubukan kong maging showy sa kanya. Pero anong napapala ko? wala. Naiirita sya sakin, inis na inis lagi sya.".

Nakaramdam ako ng pagka-awa sa kanya. Alam kong mahirap ang sitwasyon nya. Hndi nya naman ginusto sa nagkagusto rin sa taong gusto ng Kuya nya. Alam ko rin na sinubukan nya ng ilang beses na pigilan, pero mahirap.

Ang unfair naman kung isusuko nya yung feelings nya kay Raine ng hndi man lang sumusugal. At saka isa pa, mukang patas naman ang laban nila ni Van. Ni hindi rin kase interesado sa kanya si Raine.

"KLYDE!"-sigaw nya.

"Ano ba?! nag-iisip ako e!"-

"Nag-iisip e hndi ka naman nakikinig sa mga kwento ko."

Stories his ass. I bet its more on rants.

"Bat kase puro ka reklamo. Ituloy mo lang, go with flow. Just follow your heart."

Kumunot ang noo nya na parang nahihirapang intindihin ang sinabi ko.

"Marunong kang mag-english wag kang magtanga-tangahan Vios."

"Aisshh alam ko naman. I get you. Pero parang mali."

"Anong mali?"

"Pano ang kapatid ko?"

I smiled at him. Ito ang pinakagusto ko sa kanya. Palagi nya pa ding isinasa-alang-alang ang kuya nya. Ang relasyon nilang magkapatid.

"Ano ba sa tingin mo ang gusto mo?"

"Si Raine."

Anakng!

"Bobo! Ibig kong sabhin, anong gusto mong mangyari?"

"Maging masaya..."-he paused and think for a moment. "Maging masaya kasama sya nang hndi ko nasasaktan si Kuya."

"Imposible yang sinasabi mo. Masasaktan at masasaktan ang Kuya mo. If that's the case, I'll advice you not to go too far. Make it slow. If you know what I mean...?"

It Just HappenedWhere stories live. Discover now