Chapter 28
Vios' POV
Kasabay ng marahan kong paglalakad tungo sa kinaroroonan ni Raine ay ang malakas na kabog ng puso ko.
Bakit ganito yung epekto nya sakin? Napaka-abnormal naman ng pusong to.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya, umiwas sya ng tingin at tumingin sa gilid nya na wari ay hinahanap si Bing, pero hndi sya nagtagumpay.
Kanina pa kaseng umalis ito ng makita nyang naglalakad na ako. Hndi ko alam kung paanong nangyari yon, pero pakiramdam ko tlaga may idea na si Bing. Shet, masyado na ba talaga akong halata.
Ipinagkibit-balikat ko na ang aking mga pagkabahala. For the last time, nilingon ko si Kuya, busy sya. I looked at Raine, kunot na kunot lang ang noo nya. Tss.
"Hey"-bati ko.
"Anong kailangan mo?"
Napakamot ako sa ulo, pambihira talaga ang babaeng to. Walang manners, bumati ako tas ganon agad ang isasampal sa muka kong katanungan? Ano daw kailangan ko? Wow ah.
"Wala bang, goodevening handsome dyan?"-I asked and smirked.
"Sinong handsome?"-pang-aasar nya muka namang effective.
Pero okay lang dibale na, alam ko namang gwapo ako.
"Mm, okay lang naman na wag mong aminin na nagagwapuhan ka sakin. Baka mafall ka lang."-biro ko at agad naman syang umirap.
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo."-she paused and looked to the crowd. "Kung wala kang matinong sasabihin, dyan ka na at uupo na ako."
"Sandali naman."-angal ko at hinawakan ang braso nya.
"Get that hands off"-banta nya.
"Ang arte mo no."-asik ko at pinipigilang babaan ang boses ko dahil maraming tao nakakahiya.
"Nag-iingat lang."
"Ingat? Tss at bakit naman?"
"Baka makita ng Kuya mo."-sagot nya at luminga-linga pa.
Aishh! Bwisit, nabubwisit ako! Kingina naman oh.
"Raine ano ba? Ako yung nandito oh."
Pinagkunutan nya ako ng noo, na wari ay nandidiri sa akin. Wow ha, hiyang-hiya naman ako sa kanya porque ang ganda nya ngayon.
"Ngayon lang naman tss."-bulong ko sa kabila ng nasa isip ko.
"Ano?"
"Wala. Sayaw muna tayo."-saad ko.
"Ayoko."
"Sumayaw na kase tayo."
"Ayoko. Pagod ako."
At sa tingin ko ay hndi ko sya mapipilit sa maayos na paraan bwes daanin na natin sya sa Santong paspasan.
Hinigit ko agad ang kamay nga at hinawakan ng mahigit. Inilapit ko din ang katawan ko sa kanya upang mahawakan ko ang bewang nya. Sa sobrang bilis kong kumilos ay hndi nya na ako napigilan pa.
"So sayaw na tayo?"-tanong ko.
Kitang-kita ko naman sa muka nya ang pagkagulat. Pero bigla rin itong napalitan. Ngumiwi sya, yung walang kwenta nyang ekspresyon.
"Bitawan mo ako."-utos nya sa akin sa mahinang tono ng boses pero nanggigigil.
"Ayoko nga."-I answered and smiled brightly.
Pero hndi pa din sya tumigil, nakakairita na talaga ah. Sinusuyo na nga ng mahinahon e. Talaga tong babaeng to, makakadali to sakin mamaya eh.
"Ano namang iniisip mo?"-tanong nya sa akin habang ang tingin ay para akong lalamunin.

YOU ARE READING
It Just Happened
Novela JuvenilPresenting! Dhina Raine Marquez. Not your typical girl. Kung mahinhin ang hanap mo? Malambing, pala-ayos, madaldal, palangiti. Oh no. Hndi sya ang lahat ng yan. Isa syang babaeng ika nga ng iba "pusong-bato". But this girl doesn't believe in love...